Palad

Kailangan ko itong gawing kwento ng pag-ibig

Yung pag-ibig na siguradong maghahatid sa inyo ng kilig
Yung siguradong tatamaan kayo dahil may isang tao sa isip niyo
Yung magrereact kayo kasi relate na relate kayo
Kailangan ko itong gawing kwento ng pag-ibig
Pero wala.
Manhid na.
Gusto kong humugot at bumanat sana pero ‘itong puso ko kotang-kota na
Mas madarama sana kung may mga luha pa pero naubos ko na nung ako’y iniwan niya
Ilang papel na rin ang nasayang ko kakasulat ng kwentong ‘to, pero balewala lang gaya ng pagsasayang ng panahon noong nandyan pa siya

Nakakita pa ako ng mag-syotang magka-holding hands
Gusto ko sanag humugot kaso ang naalala ko lang ay ang magaspang niyang palad
Na sa tuwing kami’y magkaka-hawak
Agad ko itong bibitawan
Namanhid na ako sa kakaisip kung bakit hindi ko nalang ito hinawakan ng mahigpit
Sana noong tayo’y magka-hawak hinigpitan ko ang aking kapit
Kapit.
Bitiw.

Gusto kong humugot ng malalim pero ang tanging maisip ko ay ang pagpupumiglas ko sa hawak niya
Isang hugot sana na kasing-lalim ng mga paghinga niya tuwing ako’y tinititigan
Hugot sana na kayang tapatan ang pamamaalam niya
Naghahanap ako ng mga pagkakataong pwede kong gawing inspirasyon sa aking kwento
Pero isang maling desisyon ang nahanap ko

Isang araw habang binabaybay namin ang mahabang kalsada
Tinitigan ko siya at nawalan ako ng pag-asa
Ang dami na ng mga pagkakataong sa kasiyahan kami nagpakasasa
Pero naisip kong wala akong mapapala sa kasiyahan lang kung sa gaspang ng kapalaran niya lang kami aasa

Aaminin kong isang katangahan ang rason kong may kababawan
Nang siya ay aking hiwalayan para sa karangyaan
Nais ko itong gawing kwento ng pag-ibig
Pag-ibig na sana’y pinahalagahan
Ngayo’y pinagsisisihan

Nang magkita kaming muli, siya na’y naka-puti
Nakita ko ang kanyang kamay na dati kong binitawan
Ang gaspang ng kanyang palad na dahil pala sa pagkapit sa buhay na paulit-ulit niyang ipinaglaban
Ngunit ngayo’y wala na
Isa na lamang siyang alalala ng maganda sanang kwento ng pag-ibig na aking paghuhugutan
Isa na lamang siyang patunay ng forever sana na aking nakamtan

Hindi ito kwento ng pag-ibig
Wala itong hugot na maipagyayabang
Walang nakakakilig na tagpo o anu pa man
Kagaya ng palad mo, mahal
Magaspang ang ating kinahantungan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s