Hindi ako handa.

Hands-Letting-Go-Of-Each-Other-6.jpg

Hindi ako handa noong dumating ka. Hindi ako handa noong ngumiti ka. Hindi ako handa noong minahal kita. Hindi ako handa noong ako’y pinasaya. Hindi ako handa noong unti-unti nawawala ka. Hindi ako handa noong paggising ko wala ka na. Hindi ako handa.

Isa lamang akong bata noon na inosente pa sa kung ano ang pwedeng idulot ng pag-ibig. Hindi ako magka-mayaw sa kakatanong kung paano nga ba ang umibig? Sa dami ng kasagutan sa paligid ko, isa lang ang napatunayan ko. Masaya ang pakiramdam na ito.

Umibig ako sa hindi inaasahang pagkakataon. Sa hindi inaasahang tao. Masaya ang unang pag-ibig. Walang kasing-tamis. Walang kasing-saya. Sa mga unang pagtatama ng mata hanggang sa unang paghawak ng mga kamay. Hindi ito matutumbasan ng kahit anong piyesa na naisulat na.

Wala ring katumbas ang pait ng unang pagkasawi. Isang pakiramdam na iniingat-ingatang iwaksi ng mga magulang. Isang pakiramdam na pilit binibigyan proteksyon ka. Masakit. Nakakapang-hina. Nakakapanlambot.

Minsan darating ka nalang sa punto na isang araw, hindi mo nalang maalala kung ano ang mga nangyari. Yung akala mo nakalimot ka na sa sakit na iniwan niya. May araw na sobrang masaya ka kasi akala mo limot mo na. Yung wala na yung sakit. Yung wala na yung kirot. Kaso akala mo lang pala.

Hindi mo naman gustong maramdaman pero sa tuwing sasagi man lang ang pangalan niya sa isip mo, bigla mo nalang maaalala. Sa tuwing sasapit ang kaarawan niya, hindi mo mapigilang isipin siya. Sa tuwing maririnig mo yung kanyang paboritong kanta, tinatamaan ka pa. Sa tuwing maaalala mo lahat ng panahon na nakasama mo siya, yung luha mo aagos nalang bigla.

Hindi ka na nga handa noong dumating siya buhay mo, hindi ka pa rin handa noong nawala siya. Kailan ka ba magiging handa? Yung handa nalang tanggapin na wala na siya. Yung handa nalang na isipin na kahit kailan hindi na siya babalik pa. Yung handa nalang na tanggapin na hindi mo na siya makikita pa. Gaano katagal mong ihahanda ang sarili mo na paghandaan ang pagtanggap sa pag-ibig na bigla nalang nawala?

Madaming tanong. Pero walang siguradong sagot. Handa ka na bang kalimutan siya? Ako, oo. Handa na ako.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s