Manhid

girl-in-grass-photos-andrew-kuykendall-styling-suzanne-ford-model-kelley-ash.jpg

 

Manhid.

Hindi ko mabatid kung kailan nga uli ako nakaramdam ng kilig

Kung kailan nga ba huling tumibok ang puso ko para sa pag-ibig

Kung kailan ako huling nakaranas madampian sa labi

Manhid.

Iniisa-isa ko ang bawat sulok ng memorya

Naghahanap ng mga natatanging istorya

Mga pangyayaring paghuhugutan ko sana

Pero etong puso ko, talaga atang namanhid na

Ilang beses ko ng sinubukang paiyakin ang aking sarili

At sa tuwing mabibigo ay hindi pa rin ako mapakali

Paulit-ulit ang aking pagbabaka sakali

Kahit makagawa lamang ng isang mahinang hikbi

Manhid.

Manhid na manhid na ako sa mga bagay na dati kong iniyakan

Sa mga alaalang akin ng pinabayaan

Ang pagnanais kong ito’y matuldukan

Emosyon ko ang naging kabayaran.

Manhid.

Manhid na.

 

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s