Million Reasons: Lipstick

 

 

**MIA

    Habang naglalakad ako sa hallway ng campus, napansin kong nakatingin nanaman sa akin ang grupo ng mga babae na parang espasol sa kapal ng make-up. Matagal ko ng alam na mainit ang dugo nila sa akin dahil sa bestfriend kong si Gino. May gusto silang lahat sa kanya at naiinggit sila dahil ako palagi ang kasama nito.

Hindi ko nalang sila pinansin. Nagtuloy-tuloy nalang ako sa paglalakad ko pero bigla nalang may humila sa akin sa loob ng isang classroom. Sisigaw dapat ako pero nang makita ko kung sino ito, napakunot ako ng noo.

“Anong trip mo, Gino?” Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya ng napakalapad at tapos ay may maliit na box siyang inabot sa akin. Nagtataka ulit akong tumingin sa kanya dahil nawiwirduhan ako sa pinaggagawa niya.

“Happy Birthday!” Masayang sabi niya.

Napatulala ako. Birthday ko ngayon? Hindi ko naalala? Nasan ang utak ko? Woah! Siya lang nagpaalala sa akin!

“Oh my! I totally forgot! Thank you so much!” I hug him for that.

Sa dami ng mga ginagawa sa school, nakalimutan ko na kung anong araw ngayon. At least I always have him to keep me on the pace. Buti nalang talaga at pinaalala niya. Wala naman kasi akong kasama sa bahay para magpaalala sa akin. At wala ring tumawag sa mga ate at kuya ko sa US para bumati.

“Open your present!” Excited na sabi niya.

Masaya ko namang sinunod ang sinabi niya. Tinanggal ko ang ribbon na nakatali sa maliit na square box na inabot sa akin ni Gino. And when I open it, natawa ako ng mahina. Gino knows every bit of me. It was my favorite lipstick. And it’s my trade color. Dark Red.

I’m known for wearing that sexy dark red lipstick. At least, that’s the only make-up I wear. It’s my trade mark. I’m called the ‘Queen Bee-ish’ because of that and also because I’m drop dead gorgeous.

“You know me very well, Gino. Thank you talaga!”

Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang mga kamay ko. Alam kong may sasabihin pa siya. We’re like mind readers for each other. Alam na namin ang iniisip ng bawat isa. Hindi pa man yata kami pinapanganak, magkaibigan na kami. Kaya buong buhay namin, magkasama na kami.

“Meron pa akong isang surprise. Wait for me here, okay?”

I wonder kung ano yung surprise na yun at sobrang excited niya. Gino and I, well maraming nagsasabi na bagay kami and that we should date each other. But I don’t know, sa tagal naming magkaibigan, I didn’t feel the need to date him. Just him, staying by my side, I’m okay.

It’s almost 5 minutes mula ng lumabas si Gino. So I tried to go out the room to search for him. But I don’t need to. Pabalik na siya, no, sila. Magkahawak ang kamay nila. Kilala ko ang kasama niya. Classmate ko siya sa isa kong class. Si Alice.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng lumapit sila sa akin. Napaka-lapad ng ngiti sa labi ni Gino. Mukhang alam ko na kung ano ang surpresang sinasabi niya.

“Mia, I want you to meet Alice. My girlfriend.”

Nakangiti silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ngumiti. Is this the pain of seeing the person you like with someone else?

“You have a girlfriend?” Seryosong tanong ko.

“Mia what’s wrong? I thought you wanted me to be happy?” Naguguluhang tanong din sa akin ni Gino.

“You didn’t even tell me you’re courting someone. Then here you are, boom, my girlfriend ka na. Classmate ko pa?” Singhal ko kay Gino then I turned to Alice, “Alice? Why didn’t you tell me anything?”

“M–ia. I’m sorry.” Nakayukong sabi ni Alice.

“No, Alice. You’ve done nothing wrong. Hindi ko ba alam dito kay Mia kung bakit ganyan siya magreact. You’re acting as if you’re my girlfriend. Mia you’re my friend. You’re suppose to be happy for me.”

Great. Now I’m the bad guy. Hindi na ako sumagot pa. Umalis nalang ako at nag-celebrate ng worst birthday ever.

THE NEXT day, I was in the room where Alice and I have the same class. It’s really awkward to sit beside her because of what happened yesterday. But I have to endure this to not let the situation affect my studies.

“Mia? Are you still mad?” She whispered.

I closed my eyes for a bit. Baka kasi kapag kinausap ko siya agad, baka kung ano lang masabi ko. Kinalma ko muna ang sarili ko. I know I’m acting wierd, but still, I felt betrayed.

“Let’s talk after this, okay?” I calmly said.

PAGKATAPOS ng klase namin ay agad na kaming nagkita ni Alice sa cafeteria. Doon kami sa lugar kung saan kami palaging nakaupo kapag lunch. Palagi kaming magkasama actually. Kaya nga ang sama ng loob ko na wala man lang silang sinasabi ni Gino tungkol sa kanila.

“Sorry talaga, Mia.” Panimula niya.

“Nakakatampo talaga kayo.” Seryosong sabi ko naman.

Hindi naman din ako magrereact ng ganito kung hindi ako nasaktan. Kaibigan ko silang pareho. At napaka-hirap kasing tanggapin na hanggang dun nalang talaga ako sa friend zone.

“Babawi kami ni Gino. Mag-celebrate tayo ng birthday mo.” Masayang sabi naman niya.

Siyempre kahit anong tampo ko, hindi ko pa rin matitiis ang mga kaibigan ko. Sila lang naman kasama ko, hahayaan ko pa bang masira friendship namin? Kahit masakit, sige ipupush ko nalang.

NAG-CELEBRATE nga kaming tatlo sa bahay ko na nagawa na palang idecorate ni Gino. Nag-plano nanaman sila na wala ako. Hayy.. Pero hindi na ako magrereklamo. Para sa akin naman ‘to e.

“Peace na tayo ha?” Nakangiting sabi sa akin ni Gino.

Pangiti-ngiti pa siyaalam naman niyang hindi ko siya matitiis. Tumango ako ng nakangiti sa kanya kaya naman niyakap niya ako agad ng mahigpit. Bigla naman akong napatingin kay Alice nang gawin iyon ni Gino. Mabuti nalang at nakita ko din siyang nakangiti.

But at the back of my mind? I really don’t want them to be together. In my mind, I can still get the person I like. May paraan pa para mapaghiwalay ko sila. Alam kong hindi tama pero sawa na akong maging kaibigan lang. Ngayon pang nakikita kong madaming paraan para gawin iyon. Bago palang naman sila. Madali ko pang makukuha ang gusto ko.

ILANG BUWAN din ang lumipas. Palapit na rin ng palapit ang graduation namin. And that’s my plan, sa graduation day, akin na siya.

“Mia! Tara na?”

Nakangiti akong tumingin kay Alice. Mukhang sobrang excited niya sa make-up tutorial ko para sa kanya. From the past months, sobrang naging close na din namin ni Alice. Gino is happy to see us getting closer. I’m also happy because everything is going on as I planned.

Nang makarating kami sa bahay ay agad ko ng inayos ang mga make-up ko. Pina-upo ko si Alice sa kama ko at sinimulan ko siyang ayusan.

Makinis ang mukha ni AliceMalinismaputimagandaNo wonder nagustuhan siya ni Gino.

   Nakatitig lang sa akin si Alice habang inaayusan ko siya. Kaya naman tumitig lang din ako sa kanya. Ilang minuto ring nagtama ang mga mata namin nang bigla siyang tumingin sa ibang direksyon. Itinuloy ko nalang ang pag-aayos ko sa kanya at nagkibit balikat nalang ako. Pero bigla siyang nagtanong…

“Wala ka bang nagugustuhan?”

Matagal bago ako sumagot. Natawa pa nga ako ng mahina e. Pero itinuloy ko lang ang paglalagay ko ng make-up sa kanya.

“Meron. And I’m working my ass up to get that person.”

Ooops! I think I sounded a little bit bitchy there. Pero kebs na. Bahala na siya kung anong isipin niya.

“Ahh. Goodluck to that.” Nakangiting sabi niya.

Hindi ko nalang siya pinansin sa sinabi niya at kinuha ko na ang lipstick. Pero bago ko ilagay yun sa kanya, napatingin muna ako sa lipstick na hawak ko. Ito yung binigay sa aking birthday gift ni Gino. Nagamit ko na ito ng ilang beses. Napangiti ako. I would love to put this one on Alice’s lips too.

“For the finale.” I said then I started coloring her lips.

Once again, we were staring at each other. Pero this time, ako naman ang unang umiwas ng tingin. Ibinaling ko ang tingin ko sa labi niya. Pinunasan ko ng kaunti ang mga lampas na kulay dito. Nabigla naman ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko na nakadampi sa labi niya.

“Ako din, lalagyan kita. Super bagay sayo ng shade na ‘to e.” Nakangiting sabi niya.

Kinuha niya mula sa kamay ko ang lipstick. Nag-angat sya ng upo para mas tumaas ng konti sa akin. Ngayon ay ako naman ang nakatingala sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya habang sinisimulan na niya akong lagyan ng lipstick sa bibig ko. Dahan-dahan lang siya sa paglalagay at halatang ingat na ingat siyang hindi ito lumampas sa labi ko.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin para inspeksyunin ang pagkakalagay niya ng lipstick sa akin. Napakapit ako sa kumot ko ng gawin niya iyon.

“Mia?”

Sabay kaming napalingon ni Alice sa pinto ng kwarto ko. Nandoon si Gino na halatang kakabukas lang sa pinto. Nakatingin siya aming dalawa ng seryoso at pagkatapos ay ngumiti din siya.

“Babe! Look! Maganda na ba ako?” Tumayo si Alice at agad na yumakap kay Gino.

PshSa kwarto ko talaga?

   Tinignan naman ni Gino ng mabuti ang mukha ni Alice. Bago pa man siya sumagot ay bigla niyang hinalikan si Alice sa labi ng mabilis. Seryoso lang akong nakatingin sa kanilang dalawa habang naglalandian sila.

“Of course, babe. May make-up o wala, maganda ka.”

KINABUKASAN, nagpunta ako sa bahay nila Gino. Normal lang naman sa amin na magpunta sa bahay ng isa’t-isa kahit kailan namin gusto. May susi nga kami ng bahay ng isa’t-isa e. Kaya agad akong nakapasok sa bahay niya.

Mukhang nasa kwarto siya dahil walang kalat dito sa baba. Kaya naman agad na rin akong umakyat sa kwarto niya. Kumatok ako sa pinto ng kwarto pero walang sumasagot. Kaya sinubukan ko namang pihitin ang door knob. Bumukas!

“Gino?” Sabi ko habang papasok sa kwarto niya.

Laking gulat ko ng makita siyang nakaabang sa akin sa likod ng pinto. Kaya nang makapasok ako ay bigla niya akong hinila at sinara agad ang pinto.

Basa pa ang buhok niya at nakatapis lang siya ng tuwalya sa babang bahagi ng katawan niya. Naka-kunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Anong trip niya?

“Anong trip nanaman ‘to? Saan nanaman susulpot si Alice?” Sarcastic na sabi ko dahil kinukumpara ko lang naman to sa nangyari noong birthday surprise ko.

Pero imbis na sumagot, bigla niyang hinila ang beywang ko at niyakap niya ako. Isiniksik niya ang ulo niya sa leeg ko.

“Gino ano bang kagaguhan ‘to?” Pagpupumiglas ko.

“Wala si Alice dito.” Halos pabulong na sabi niya.

Bigla akong kinabahan. Anong pumasok sa isip ni Gino at naisipan niyang gawin ‘to? Hindi ako sanay na ganito kumilos si Gino. Sobrang higpit ng yakap niya sa akin. Kahit naman magkaibigan simula pagkabata namin, hindi pa niya ginawang yakapin ako ng nakatapis lang siya.

“Gino, bitaw na. Hindi na ako natutuwa.” Seryosong sabi ko.

Ramdam ko parin ang init ng hininga niya sa leeg ko kaya tinulak ko na siya. Muntik na siyang ma-out of balance pero mabuti nalang at napa-upo lang siya sa kama niya. Tumawa pa siya nang mga sandaling iyon kaya agad ko siyang nilapitan at binatukan.

“Gago ka! Anong pinaggagawa mo?” Singhal ko.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, “I thought you’re gonna like it.”

“Sira ulo ka pala talaga e! May girlfriend ka gago!”

Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Lumabas na ako ng kwarto niya at umalis na rin ako sa bahay niya. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari at sa sinabi niya. He thought I was gonna like it? What was he thinking? Iniisip ko tuloy, is he even serious with Alice kung kaya niya palang gawin ‘to when she’s not around?

ILANG linggo na kaming hindi nag-uusap ni Gino. Halos si Alice lang ang nakakasama ko. Hindi pa ako ready na kausapin siya. Hindi ko talaga makalimutan ang ginawa niya. Tapos nagkukwento pa sa akin si Alice na medyo nagkakatampuhan na daw sila. I admit, I was thrilled when I learn about it. Pero hindi sa ganitong paraan. Lalo na nagawa pa ni Gino yun sa akin? Hindi ako mapalagay.

“You think he’s seeing someone?” Biglang tanong ni Alice.

Gusto kong sabihin na ‘oo’, para once and for all matapos na. Pero hindi ko kaya. Masasaktan ko si Alice kapag sinabi ko iyon. Nakita ko naman na kung gaano niya kamahal si Gino e.

“Don’t worry. I’m sure busy lang yun dahil malapit na ang deliberation natin for graduation.”

Nakita ko kung gaano kaapektado si Alice. Niyakap ko siya para naman kahit papaano ay mapagaan ko ang nararamdaman niya. Alam ko kung gaano kahirap na basta nalang mawalan. Though, hindi pa nawawala si Gino sa kanya, I think this is the  sign. Ngayon, hindi ko alam kung tama pa yung ginagawa ko.

“Mia, hindi ko alam kung anong nangyayari sa amin. I don’t want to lose him.” Humihikbing sabi niya.

Nasasaktan ako na ganito ang nangyayari. Naging kaibigan ko na rin si Alice kaya apektado ako sa nararamdaman niya.

Inangat ko ang mukha niya at tinitigan ko siya. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko. Hindi ko ginustong umabot kami sa ganito.

“Alice, I’m…”

Hindi ko natuloy pa ang gusto kong sabihin nang biglang hilain ni Gino si Alice. Seryoso itong nakatingin sa akin. Pareho naman kaming nagulat ni Alice sa pagdating ni Gino. Sobrang higpit din ng pagkakahawak niya sa kamay ni Alice at nakikita kong nasasaktan niya ito.

“Gino, it hurts.” Mahinang sabi ni Alice.

Hindi ko maintindihan ang kinikilos ni Gino. Bigla nalang niyang hinila paalis si Alice. Gusto kong sumunod para malaman kung ano ba talagang problema. Pero sa itsura ni Gino kanina, para niya akong gugulpihin.

**ALICE

GRADUATION day na namin ngayon. At ngayon ko nalang ulit nakita si Mia mula noong incident naming tatlo nila Gino. Hindi na rin namin siya napag-uusapan ni Gino. Hindi ko alam kung anong naging problem nila pero hindi ako masaya na hindi sila okay hanggang ngayon na magtatapos na kami.

Inaamin ko noong una ay talagang nagseselos ako kay Mia. Sobrang malapit kasi nila ni Gino sa isa’t-isa kaya siguradong wala akong laban kapag malaman kong gusto rin siya ni Mia. Lamang si Mia sa akin sa lahat ng bagay kaya hindi rin ako palagay noong una. Pero habang tumatagal ay nakikilala ko siya. Mabuting kaibigan si Mia, sa akin at kay Gino. Minsan ay mas palagi ko pa siyang nakakasama kesa sa boyfriend ko. Minsan siya pa ang nandiyan kapag kailangan ko ng tulong.

Malaking kawalan ang friendship sa amin ni Mia. Kaya hindi ako papayag na matapos ang araw na ‘to na hindi kami nagiging okay.

After ng program ay agad kong hinanap si Mia at Gino. Napansin ko kasing halos sabay silang nawala. Magkasama na ba sila? Are they okay now o coincidence lang na pareho silang wala? Anyway, hinanap ko pa rin sila. I have an idea kung nasaan sila kaya sinubukan kong pumunta doon. Ito yung room kung saan sinurprise ni Gino si Mia. Palagi kasing doon sila nagkikita kaya baka lang na doon ko din sila makita ngayon.

“Mia, please stop. It’s over.”

Narinig ko ang boses ni Gino galing sa room na iyon. Nang sumilip ako ay nakita ko silang magkaharap. Umiiyak si Mia. Anong nangyayari?

“Gino ako ang nauna! I deserve that love more than anyone! Kung hindi mo talaga siya mahal then break up with her!”

Nagulat ako sa sinabi ni Mia. Nanlambot ang buong pagkatao ko. So all this time may gusto siya kay Gino? And all that friendship is just a show? I can’t believe na naniwala ako. E umpisa palang ng relationship namin ni Gino hindi na niya tanggap.

“I love her just as much as I love our friendship. Mia, tumigil ka na. Tama na”

Binuksan ko na ang pinto ng room kung nasaan sila. Hindi ko talaga matanggap na napaglaruan niya ako. Napaka-sama niya para magpanggap na kaibigan sa akin.

“Alice?” Gulat na sabi niya. Pero hindi na ako sumagot. Agad akong lumapit sa kanya at sinampal ko siya. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na hindi umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.

“Sana sinabi mo na nung una palang na mahal mo din si Gino. Hindi yung nagpanggap kang kaibigan sa akin!”

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hinawakan naman ni Gino ang braso ko at hinihila na niya ako palabas pero nagsalita pa si Mia.

“Alice, you don’t know the truth. I can explain.” Kalmadong sabi niya pero natawa nalang ako ng mahina. Sasagot pa dapat ako pero nauna si Gino.

“That’s enough. Alice, let’s go.”

**MIA

   PARA akong tangang iyak ng iyak sa harap ng salamin sa loob ng kwarto ko. Naalala ko nanaman ang nangyari sa graduation kanina. Wala na. Nawala na ang lahat sa akin. Ang kaibigan ko at ang taong mahal ko. I was an idiot for even thinking about it. Kahit kailan hindi siya magiging akin kahit na ako ang unang nagmahal sa kanya.

**Flashback after the graduation program

   Ayokong matapos ang araw na ‘to na hindi kami maayos ng mga kaibigan ko. Hinagilap ko kaagad sina Gino at Alice pagkatapos ng program. Una kong nakita si Alice kaya agad akong naglakad papunta sa kanya. Pero hindi pa man ako nakakalapit ay may humila na sa kamay ko. Si Gino.

“Let’s talk.” Seryosong sabi niya kaya sumunod naman ako sa kanya.

Dinala niya ako sa room kung saan niya ako sinurprise sa relationship nila noong birthday ko. Sinara niya ang pinto at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at seryosong tumitig sa akin.

“Mia, alam ko kung anong ginagawa mo. You don’t want my relationship with Alice, right?” Panimula niya.

Since nandito na rin kami. Might as well makaaminan na nga kami sa mga nararamdaman namin.

“Yeah, that’s right.” Buong tapang na sagot ko.

Saglit na napa-pikit si Gino at huminga siya ng malalim bago siya ulit nagsalita, “Bata palang tayo, magkaibigan na tayo. Alam natin lahat halos ng galaw ng isa’t-isa. We know each other very well. I know you very well.

Bigla akong kinabahan. Ano bang point niya? Saan ba pupunta ‘tong usapan namin?

Tumingin lang ako sa kanya at hindi ako nagsalita. Hinayaan ko siyang ituloy kung ano man ang gusto niyang sabihin nang sa ganon kapag ako na ang magsasalita, maipapaliwanag ko na lahat sa kanya.

“Mahal kita, Mia. Mahal na mahal kita.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Halos maluha siya ng sabihin niya iyon. Ako rin ay naiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa pag-amin niya.

“Pero kahit mahal kita hindi kita niligawan. Kahit sobrang gusto na kitang maging girlfriend, hindi ko sinubukang ligawan ka. You know why? Because I know you will never set your eyes for me. You will never set your eyes looking for a guy.”

Lalo akong naiyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na mahal niya ako. Hindi ko alam na nasaktan ko siya. Hindi ko alam na alam niya kung ano talaga ako.

“I’m sorry, Gino.” Yun lang ang tangi kong nasabi.

“And now I found someone that I know that will love me back. But then, I just can’t believe you’ll also like that same girl.” I can see the misery in him. I have brought so much pain to my best friend.

“If matagal mo na palang alam, then bakit ginawa mo pa rin yun sa akin nun nandoon tayo sa kwarto mo?” Naguguluhang tanong ko. I just need an answer to why did he do that. Dahil sa isip ko, unfaithful siya kay Alice.

“I have two reasons why. First, to confirm if you’re still as lesbian as you are to have feelings for Alice. And second, to confirm if I still want you.” He explained.

I exhaled, “And what answers did you get?”

“Yes for both.”

Natahimik ako. Inaabsorb ko pa lahat ng mga napag-usapan namin. Alam niyang may gusto ako kay Alice pero wala siyang ginawa o sinabi. Alam niyang nasasaktan ako kapag magkasama sila. At ano? Gusto niya ako habang girlfriend niya si Alice? Ano ‘to? Naggagaguhan ba kami?

“I love Alice so much. Matagal na! Even before pa kayo magkakilala. Alam mong mahal ko siya pero wala kang sinasabi? Hinahayaan mo akong masaktan habang nagpapakasaya ka?” Singhal ko sa kanya.

“You think kapag nalaman niya na mahal mo siya, she will love you back? Simula palang ikaw na ang talo dito, Mia.” Sabi niya na para bang minamaliit niya pa ako.

Ang kapal ng mukha niya. Hindi ako makapaniwalang kaibigan ko siya. Sa sobrang sakit ng sinabi niya sa akin ay sinampal ko siya.

“Mia, please stop. It’s over.” Seryosong sabi lang niya.

Gusto ko siyang gulpihin dahil sa mga sinasabi niya ngayon. Nanggigigil ako!

“Gino ako ang nauna! I deserve that love more than anyone! Kung hindi mo talaga siya mahal then break up with her!” Sigaw ko sa kanya.

“I love her just as much as I love our friendship. Mia, tumigil ka na. Tama na.”

Yun lang ang tangi niyang sinabi. Susugurin ko na dapat siya pero biglang bumukas ang pinto at nandoon si Alice. Sobra akong nagulat nang makita ko siya. Narinig ba niya lahat ng pinagusapan namin?

Pero mukhang hindi. Lumapit siya sa akin at sinampal niya ako. Akala niya may gusto ako kay Gino at nagpanggap lang akong kaibigan sa kanya. Sinubukan kong mag-explain pero hindi ako hinayaang makapagsalita man lang ni Gino.

**Present

Tinititigan ko lang ang sarili ko sa salamin. Nakakatawang isipin na sa ganda ng mukhang ‘to, babae rin ang hinahanap ko. Pero tama si Gino. Anong laban ko sa lalaking kagaya niya?

Nakita ko ang lipstick na regalo ni Gino. Kinuha ko ito at binuksan. Naglagay ako sa labi ko. At habang ginagawa ko iyon ay naaalala ko ang mga pagkakataong inilalagay ko din ito sa mga labi ni Alice.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Bakit ang komplikado ng lahat? Bakit ba ako nagkagusto sa kanya? Bakit ba ako naniwala sa ilusyon na pwedeng maging kami? Isang lesbianang kagaya ko na hindi makaamin sa totoong ako. Ni ang pagpapakatotoo hindi ko magawa, tapos hinangad ko pa na mahalin niya ako?

Awang-awa ako sa sarili ko na nasa salamin. Marahas kong pinunasan ang lipstick sa labi ko hamit ang kamay ko. Ngayon ay nagkalat na ito.

The End.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s