Alam ba niya?

 

Inaamin kong ako’y nagpaka-tanga,

Nang pumayag akong makihati sa pagmamahal ng iba

Palagi kong tanong tuwing kami’y magkasama

Alam ba niya?

Alam ba niya na sa tuwing magkayakap kayo

Ang halik ko ang iniisip mo?

Alam ba niya na sa tuwing magkasama kayo

Puso ko ang hawak mo?

Madami akong tanong na hindi pwedeng masagot

Madami akong hinaing na walang pwedeng solusyon

Nagbibingi-bingian, nagbubulag-bulagan

Sa mga bagay na wala akong karapatan

Nahihirapan, naguguluhan

Sa ma pagkakataong ating sinasayang

Muli akong napaisip, alam ba niya?

Alam kong ikaw ang mundo niya,

Peo ikaw ang buhay ko

Alam kong nauna siya,

Pero ako ang huling minahal mo

Sa tagal ng ating relasyon

Ngayon lang ako magdedisisyon

Hindi ko hiniling na malaman niya

Wala akong balak na ipaalam sa kanya

Namanhid nalang siguro ako sa kakalimos

ng kalahating pagmamahal

Inaamin kong ako’y nagpaka-tanga,

nang pumayag akong makihati sa pagmamahal ng iba

Pagmamahal na kailan ma’y hindi magiging akin ng buo

Relasyong kailan ma’y hindi nagging totoo

 

Huling katanungan nalang, alam ba niya?

 

Alam ba niyang kahit kasama kita nasasaktan pa rin ako

Dahil sa katotohanang mas mahal mo siya?

Alam ba niyang handa na akong pakawalan ka?

Alam ba niyang isusuko na kita?

 

Ayoko na muling magtanong

Tama na

Alam naman niya.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s