Sila

 

Nagtapos ang lahat nang sila’y nagka-hawak na ng kamay

Sila. Sila na.

 

Natatandaan ko pa noong mga panahong nagkakahiyaan pa sila

Noong hindi pa nila alam ang pangalan ng isa’t-isa

Sa mga pagkakataong hindi magkasundo ang panig nila

Wala pa noong sila, ang meron lang, ako at kami, ako at siya

 

Siya’y madalas mag-kwento tungkol sa isang tao

Paulit-ulit at hindi nagbabago

Kinikilig pa at halatang sobra niya itong gusto

Sabi pa niya, “Sa’yo ko lang sinabi dahil tiwala ako sa’yo.”

 

Pareho nilang kinukwento sa akin ang hilig nila

Pareho din nilang kinuwento sa akin ang nararamdaman nila para sa isa’t-isa

Pareho ko silang kaibigan

Pareho ko silang tinulungan

 

Napapa-isip nga ako sa itatakbo ng aking kwento

Ako itong nakatayo sa entablado at nagsasalita sa harap ninyo

Nagsasabi ng istoryang parang sa libro

Pero kinukwento ko’y love story ng ibang tao

 

Pero meron ding ako,

Parte din ako ng kwentong ito

Wala namang sila kung walang ako

Walang siya kung nandun ako

 

Ako yung naunang nahiyang lumapit sa kanya

Ako din ang unang nagtanong ng pangalan niya

Ako ang unang nakatampuhan niya

Wala namang dapat sila, ako dapat iyon, kami dapat iyon

 

Sa panimula ng aking tula, nagtapos sa pagiging sila

Matagal na panahon akong kinabig ng mga tamang salita

Nais ko sanang ito’y marinig niya ngunit wala din naman siya

Napakasaya sanang ang ‘sila’ ay maging ‘kami’ nalang
para masabi kong, mahal na mahal kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s