Sino Ako?

Sino ako?
Kilala mo ba kung sino ako?
Bakit hindi ko rin kilala kung sino ako?
Aalamin ko ba kung sino ako?
O mananatili ang tanong buong buhay ko?

Sabi nila ako daw yung matikas, malakas at tinutubuan ng balbas
Aba, oo nga, ganun nga ako sa panlabas
Haharap ako sa salamin tapos iikot na parang bata
Bakit parang sa loob-loob ko, iba yata?

Hindi naman ako ganito noon
Sabi ko pa nga, ikakasal ako at haharap sa Poon
Ngunit, subalit, datapwat, nagbago ako sa paglipas ng panahon
Magulo at hindi na ako makapag-desisyon ngayon

Matikas, malakas at tinutubuan ng balbas
Hindi na ako ‘yun
Siya na ‘yung nakikita ng mga mata ko
Siya na ‘yung pinipili at pinagkakainterisan ko

Ganito na ako ngayon
Uulit-ulitin, iisa-isahin, hihimay-himayin
Komplikadong utak ko, ang sarap ng hatiin
Sino na ba talaga ako?
Bakit ba ako biglang nagbago?
Ayoko pero parang gusto ko
Utang na loob!

Sabi nila ako na daw yung lalamya-lamya
Oo, ako nga
Haharap ako sa salamin minsan may kasamang lipistik
‘Yung sagot sa tanong ko, alam ko na yata

Sino ako?
Sa wakas masasagot ko na
Hindi ko na papakinggan yung magsasabi kung sino dapat ako
‘yung mga pang-huhusga niyo, tama na

Patapos na ako kaya magsimula ulit tayo sa umpisa
Kilala mo na ba kung sino ako?
Ako nalang mismo magpapakilala sa inyo
Pasintabi nalang at pakibukas ang mga isip niyo
Sa totoo lang hindi madaling gawin ‘to
BAKLA AKO.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s