11:11

 

Kung bibilangin lahat ng hiling na sinabi ko sa tuwing sasapit ang 11:11, hindi sapat ang isang araw. Napakarami na ng mga hiling na hanggang salita lang ang naimbak ko sa paghihintay sa tamang panahon. Mga hiling na para sa sarili ko, hiling para sa ibang tao, hiling para akin na hindi makuntento.

Hindi naman masama ang humiling. Kailangan lang, kapag humiling ka, ‘wag masyadong maghangad na matutupad ito kaagad o kung matutupad pa ito. Madaming mga humiling ang nagalit dahil hindi napag-bigyan ang kanilang mga gusto. Mga humiling na hindi nakapag-hintay, mga humiling na hindi marunong manalig.

Sa buhay, kung marunong makuntento ang tao, walang magiging komplikado. Magiging masaya lang lahat. Pero mahirap makuntento lalo na kung madaming mga bagay na gusto mong mapasayo. Materyal, pagtingin, atensyon, kahit ano pa man ‘yan, nasa ‘human nature’ na natin ika nga ang paghahangad, mabuti man o masama.

Dati sobra akong naniniwala sa power ng shooting star at mga wish bones. Sa mahigit dalawang dekada ko ng nabubuhay sa mundo, dalawang beses palang akong nakakakita ng shooting star. At hindi ko na rin matandaan kung ano ang hiniling ko nung nakakita ako dahil sobrang tagal na. Pati sa mga wish bones na nakukuha sa mga manok na ulam namin at minsan kapag naisipang magluto ng turkey ng Dad ko, nakakakuha din ako ng malaking wish bone. Pero hindi ko na rin maalala yung mga eksaktong hiling na sinabi ko. Basta alam ko, halos materyal na bagay at good health sa parents ko.

Ngayon, hindi na ako gaanong naniniwala sa mga ‘wish’. I mean, I can still hope for something pero wala kasing superstitious belief ngayon na talagang nangyayari. Hindi masamang maniwala sa mga ganun pero hindi rin naman masamang gawing realidad ang mga pangarap na hinihiling lang natin sa mga bituin, sa mga buto at sa bawat 11:11 na dadaan sa orasan.

Kaakibat kasi ng mga hiling natin dapat ay yung magsikap din tayo na makamit ‘yun. hindi yung tutunganga nalang at maghihintay na matupad lahat ng hiniling mo sa kung kaninong poncio pilato man ‘yan. Madalas kasi, nadidisappoint tayo agad kapag hindi nabigay ang gusto natin. Bakit? Ano na bang ginawa mo para makuha ‘yun? Pinaghirapan mo na ba? Walang hindi ibibigay sa’yo na hindi mo deserve. Kaya sa susunod na hihiling ka, samahan mo ng effort, yung physical at emotional na effort para mas worth it kapag nakuha mo na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s