Kwek-kwek Love Story

 

Naranasan mo nabang mabago ang simpleng buhay mo ng dahil lang sa paborito mong pagkain?

Yung matupad yung hinihiling mo?

Nang dahil sa kwek-kwek…..

———————————————-

Hayy grabe! Nakaka-antok talaga ang math subject. Buti nalang at labasan na namin. Yay! Makaka-uwi na’ko!

Ako nga pala si Jayda Martinez. 15 years old at 4th year high school student. Simpleng sira-ulo ang masasabi ko sa sarili ko. Simple dahil simple lang naman talaga ako. Sira ulo dahil maraming kalokohan ang alam ko. Pero kung sa itsura naman ang tatanungin, olats na ako dyan. Ako ay matangkad, mataba, at maitim. O diba? San ka pa? In short, pangit.

E kiber ko ba? Di naman ako pinanganak para maging display sa mga tao ah? Pero kahit naman ganito ako, nagka-boyfriend na naman ako. Yun nga lang nung payat pa ako. E bigla kasing lumobo e. Pero okay lang kahit walang lovelife, masaya naman ako sa mga  friends ko.

Wednesday. 5:30pm

Nasa computer shop kami ng mga friends ko para magpa-photocopy ng lectures sa English subject dahil 2nd quarterly exams na namin.

Ang tagal-tagal naming naghihintay doon at inabot na kami ng 6:00. Hanggang sa natapos din kami lahat ng eksaktong 6:30pm.

Nagkanya-kanya na kaming lakad pa-uwi sa mga bahay-bahay namin. Ako naman, kasama ko ang bestfriend kong si Kathyryn. Medyo malapit lang kasi ang bahay niya sa amin kaya nagsabay na kami.

On our way home, nakakita ako ng isang street vendor na nagtitinda ng kwek-kwek!  Naglaway nanaman ako kaya hinila ko si Kathyryn papunta dun sa pwesto ni manong kwek-kwek.

“Kath tara! Bili tayong Kwek-kwek!”  sabi ko sakanya habang hila-hila na sya.

Nang makarating kami dun ay agad akong pumwesto sa tapat ng mga baby kwek-kwek ko.

“Manong magkano po?” tanong ko kay manong na kasalukuyang nagluluto ng mga fishball.

“Apat sampo.” sagot naman ni manong kaya agad-agad na akong kumuha ng baso at dumampot ng isang stick pero may kamay din na dumadampot dun sa kwek-kwek ko.

Tinignan ko yung pagmumukha nung gustong umagaw sa pagkain ko at ng mapatingin ako ay nagulat ako sa face niya.

Oh my kwek-kwek! Wafuuuuuuuu!

“Ah sige sayo na.” nakangiting sabi nya sakin sabay binitawan yung stick.

“Hinde sige,sayo na yan.”  sagot ko naman. Ayie,pakipot daw ba?

“Hinde,sayo na.”  nakangiti ulit na sabi nya. Emeged! Bakit ang pogi ng nilalang sa harapan ko?

“O sige. Sabi mo eh.”  sabi ko nalang sabay nilagay na sa baso ko yung  kwek-kwek at nilagyan na ng sauce. SLuuuurp! Yum-yum!

Pero kinikilig parin ako. Haha.. Ako na malande.

Nung natapos na ako,nag-side glance muna ako sa tabi ko para makita kung andun sya pero wala na akong nakita. Hayy..sayang.

“Manong bayad po.”

Ayie! Andun sya sa tabi ni manong tapos nakatingin sya sakin with matching that killer smile. Pinaglihi ba sa ngiti tong lalaking to? Bakit lagi nalang naka-smile? Grabe. Naa-adik ako.

“Jayda tara na.” bigla namang sabi ni Kathyryn kaya nag-iwas na rin ako ng tingin sakanya. Kakahiya e..baka isipin nya gusto ko siya.

———

Naglakad na akami ni Kathyryn pauwi pero hindi parin ako maka-get over kay kuya kwek-kwek. Hihi. May pangalan agad e no?

“Oy? Bat ngingti-ngiti ka dyan?” tanong sakin ng kasama ko.

“Wala. Bawal ba?”  patay malisyang sagot ko sakanya.

“Hindi naman. Pero mukha kang baliw e.”

Tignan mo to? Tawagin daw ba akong baliw? Porket kinikilig baliw na agad?

“Ay ewan ko sayo. O sya,dito nalang ako. Ingat ka nalang.”  pagpapaalam ko sa kanya. Nag-wave na sya sakin at ako naman ay pumasok na sa bahay. At dun ko nalang napansin na yung stick nalang pala yung nginangat-ngat ko. Grabe? Naubos ko na pala yung kwek-kwek ko? Na-over dose ako kakaisip sa lalaking yun ah. Haha

—————-

Kinabukasan ay good mood akong pumasok sa school. At mamayang pag-uwi. Bibili ulit ako ng kwek-kwek dun kay manong kwek-kwek. Hihi

“Si Jayda kahapon pa nababaliw.”

“Matagal ng baliw yan.”

Napatingin naman ako sa nagsalita. Si Kathyryn,at kasama pa yung isa kong baliw na bestfriend na si Cherie. Hay naku. Kahit ginaganyan ako ng mga yan mahal ko sila.

“E hayaan nyo na. Baliw na kung baliw. Basta maganda ang mood ko ngayon.”  nakangiti kong sabi sa kanila.

“Mageexam na nga tapos good mood kapa? Sira ulo ka talaga.”  hirit naman ni Cherie.

——————————-

Natapos na ang exams namin at ready to go na ako sa destinasyon ko.

Nagmamadali akong pumunta sa pwesto ni manong kwek-kwek sa may tapat ng simbahan. Hoping na sana nandun sya. At hindi naman ako nabigo. Nandun nga si kuya kwek-kwek. Kausap si manong kwek-kwek. Close kaya sila?

Lumapit na ako para bumili ng kwek-kwek kaya napatigil sila sa pag-uusap nila.

“Manong,pabili po ah.”  magalang na sabi ko sabay kumuha na ako ng baso at isang stick ng kwek-kwek.

“May bago nanaman akong suki.”  masayang sabi ni manong kwek-kwek.

“Edi masaya yun manong. Madadag-dagan yung kakwentuhan mo.”  sagot naman sakanya ni kuya kwek-kwek. Grabe. Ang pogi ng boses nya. Nakaka-inlove talaga.

AKo naman dito. Pangiti-ngiti nalang. Shy akong magsalita e.

“Ne,paborito mo rin yang kwek-kwek ano?”  tanong ni manong.

“Opo.” nakangiting sagot ko sa kanya.

“Pareho pala kayo nitong si Luke e.”  patukoy naman ni manong kay kuya. Aweee.. Luke pala yung name nya. Atlast! Alam ko na yung name nya.

“Ikaw anong pangalan mo?”  napatingin ako sa nagtanong. Grabe! Si kuya kwek-kwek! Tinatanong yung name ko! OMIGASH!

“Uhh..ehh. Jayda po.”  mahinang sabi ko naman. Yie. Nakakahiya kasi. Ampogi pogi nya tapos ako ang chaka ko.

“Wow. Napaka-unusual naman ng name mo.”  nakangiting sabi naman nya. Grabe. Bakit di nawawala yang smile na yan???

—————————-

At dahil close na kaming tatlo. Nagka-kwentuhan kami habang lumalafang ng kwek-kwek. Akalain mo ba naman pakyawin ni kuya kwek—este kuya Luke yung lahat ng mga tinda ni manong. Ayun. Kain to the max kaming dalawa dun pati si manong. Inferness,ang sarap nilang kausap. Ang dami kong nalaman sa kanila. Si manong daw 10 years ng nagtitinda ng kwek-kwek. Nakapag-patapos na nga daw sya ng mga anak dahil sa pagtitinda. Si kuya Luke naman..First year college daw sya. Civil engineering yung course at nag-aaral sa isang sikat na university dito samin. Nag-iisang anak daw sya ng mga parents nyang business something something kaya lagi syang mag-isa. Kaya naman lagi daw syang nakakagala.

After ng mahabang kwentuhan namin. Napansin namin na 5:30 na pala kaya nagpaalam na kami kay manong kwek-kwek. Si kuya Luke naman ay nagpresinta na ihatid na daw ako pero naghehesitate kasi ako e. Hindi naman sa wala akong tiwala sakanya. E mahirap na kasi e. Malay ko ba kung akyat bahay pala to tapos modus operandi lang niya yung paghatid.

Pero I feel relief nung sinabi nyang…

“Wag kang mag-alala. Di ako holdaper or akyat bahay. Dun din kasi way ko pauwi sa way nung sa inyo.”

Tumango nalang ako at hinayaan syang ihatid ako. Hindi naman siguro sya gagawa ng something evil diba? Mukha naman kasi syang angel e.

Tumingin ako sa kanya. Actually tumingala. Ang tangkad kasi e. Tapos ang pogi pogi pa. Kamukha sya ni Lee Min Ho.

“Malusaw ako nyan ah?”

“Sana nga nalusaw kana. Yabang mo.” bulong ko. E nakakabwiset kasi sya eh! Hindi pa ako tapos magpantasya no!

“Sama naman.” medyo malungkot pa yung tono ng boses nya. Aba? Gumaganon? Haba ng hair ko ah? Hinahatid ako ng crush ko tapos kinakausap pa ako. Ako na talaga. Haha

Nang nasa tapat na kami ng bahay ay nag-stop sya. Teka? Parang alam na alam nya na dito ako nakatira ah? Teka? Baka naman akyat bahay to?

“Wag kang magisip ng kung anu-ano. Alam kong dito ka nakatira kasi pag umuuwi ako nakikita kitang dito ka pumapasok.” nakangting sabi. OMIGASH! That smile again!

“E san kapo ba umuuwi?”  bigla ko namang natanong. Nakaka-curious kaya.

“Dyan lang. Walking distance lang from here.” at ngumiti nanaman sya. Papatayin nya ba ako sa mga ngiting yan? Emeged lang!  “Ano nga palang number mo?”  sabay labas ng phone niya.

Number ko?? Ko?

Kinukuha nya? Weh? Meganon??????

E hindi na ako tumagging ibigay. Magpapakipot paba ako sa mga pagkakataong ganito? Tawagin nyo na akong malandi pero crush ko lang talaga sya. Wala na kayong magagawa don. 😛

Tapos ay nagpaalam na sya at ako naman ay pumasok na sa bahay at nagdire-diretso sa kwarto sabay sigaw. “Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!! Kinuha nya yung number ko!!OMG!”  sobra talaga ang paghi-hysterical ko. Ikaw ba naman ang kuhanin ng number ng crush mo? Hindi kaba kikiligin ng sobra? Grabe much!

“Oy ate? Napano ka?”  tanong ng kapatid ko. Hindi ko nalang sya pinansin lalo na nung biglang magvibrate yung phone ko at ng makita ko yung nagtext sa akin ay bigla nalang akong napatalon sa kama ko at nagpagulong-gulong. Waaaah!

From: Kuya Luke

Hi Jayda?

Syempre agad naman akong nagreply dyan. Mahirap na. Baka ayaw nyang pinaghihintay sya.

To: Kuya Luke.

Hello po kuya Luke. 🙂

Hanggang sa nagkaroon na kami ng mahabang conversation. Just imagine! Parang kelan lang na kinikilg-kilig lang ako sakanya ngayon katext ko na sya? And guess what our conversation is all about? it’s about finding someone who will be my boyfriend. Sinabi ko kasi sakanya yung story ng masaklap kong lablyp kaya sabi nya,gusto nya daw akong tulungan na humanap ng mabuting boyfriend para sakin. Ihahanap nya daw ako sa mga friends nya. Isn’t that sweet? Yung yung crush mo pa mismo yung maghahanap ng boyfriend para sayo? Pero mas maganda siguro kung sya nalang yun..Chena!Hahaha

Sya rin naman ay nagkwento tungkol sa lablyp nya. Medyo nalungkot nga ako nung nalaman ko yung kwento nya e. May naging girlfriend daw pala sya nung second year high school sya. Kaya lang nung pa-graduate na sila ng high school,namatay si girl. Kaya simula nun,di na daw sya pumasok sa isang relationship. Ayaw na daw kasi nyang maulit yung nangyari dati. Kaya nga naaawa ako sakanya. Just imagine,yung laging naka-smile na guy na to may isang malungkot na story pala.

————————

A few days past. Naging sobrang close kami ni kuya Luke. Kinukwento ko nga sya kila Kathyryn at Cherie e. Kinikilig din sial at tinutukso ako na baka daw maging kami na. Pero sabi ko naman,malabo yun.Kasi sa itsura ko palang wala na akong ibubuga sa ibang mas magagandang babae dyan na pwede nyang magustuhan.

Then one day,tinawagan nya ako na may ipapakilala daw sya sakin. Barkada daw nya na naghahanap ng girlfriend. Syempre pumunta naman ako. Nakakahiya naman kasi kung hindi ako pupunta kahit ayaw ko. Sayang naman kasi yung effort nya.

At ayun na nga. Pagdating ko doon ay nag-uusap sila nung barkada nya. Gwapo rin sya pero mas gwapo si kuya Luke.

Nung napatingin sakin yung barkada nya. He look disappointed. Ok. As usual. Ayaw nya sakin. Nadisappoint sya kasi ganito yung itsura ko. 😦

“Pare? Nagkakalokohan ba tayo? Yan yung ipapakilala mo sakin?Pre,tignan mo naman oh. Tingin mo ba papasa sa taste yung…yung mataba?”

Bumulong kapa dinig na dinig ko naman.

Bigla namang sumama yung aura ni kuya Luke at tinignan ng masama yung unggoy na yun. “Pwede ba? Kung wala ka rin lang magandang sasabihin,shut your mouth.”  seryosong sabi ni kuya Luke sabay hinila na ako paalis dun sa meeting place namin. Ako naman,di ko maiwasang di maiyak. Totoo naman yung sinabi nya e. Kaninong taste nga ba naman papasa ang isang katulad ko?

“Wag ka ngang umiyak dyan. Wag mo nang pansinin yung sinabi nung sira-ulong yun.”  seryosong sabi nya at huminto kami sa tapat ni manong kwek-kwek. “Manong,bigyan mo nga ng dalawang stick to at nang tumigil sa kakaiyak.”

“Aba? E ano bang nangyari dyan? Pinaiyak mo ba?” tanong naman ni manong kay kuya Luke habang ginagawa yung utos ni kuya Luke sakanya.

“Hindi po no.E yung sira ulo ko kasing kabarkada kung anu-ano sinabi sakanya.”  paliwanag naman ni kuya Luke sakanya. Ako naman humihikbi parin. E sa masakit yung mga narinig ko e. First time ko kayang makarinig ng ganun tungkol sakin sa buong buhay ko.

“Ano ba ang sinabi sayo?”  tanong ni manong sabay abot nung kwek-kwek ko.

“Sabi…*sniff* sabi nya po..*sniff* mataba daw po ako…*sniff* at hindi daw po sya magkakagusto sa *sniff* mataba..”  sagot ko habang tinutusok yung kwek-kwek. Waaah! Buti pa yung mga kwek-kwek ko mahal nila ako kahit mataba ako.

“Naku Jayda..Ano naman ngayon kung tinawag ka nyang mataba? Ano ngayon kung hindi sya magkakagusto sa mataba? Di naman sya yung nag-iisang lalaki sa mundo ah? Tsaka neng,ang kagandahan ng isnag tao ay wala sa panlabas na itsura yan. Nasa puso mo yan. Kung maganda yang loob mo mas magiging mas maganda kapa sa mga magaganda dyan sa tabi-tabi na kay sasama naman ng ugali.”  mahabang sanaysay ni manong. Natawa naman ako ng mahina doon sa sinabi nya. Marunong pala magbigay ng mga payo si manong. Kala ko sa paggawa lang ng kwek-kwek sya magaling.

“Uy tumatawa na sya.”  panunukso sakin ni kuya Luke sabay tinusok-tusok pa yung tagiliran ko. Lakas kaya ng kiliti ko dun. Napasigaw tuloy ako ng malakas.

Nagkatinginan nalang kaming tatlo at nagtawanan. Ok rin naman kahit wala ng lablyp may mga tao namang nakapaligid sakin na nagpapasaya sakin e.

————————–

*kring ring*

*kring ring*

Kuya Luke calling……

Sinagot ko naman ito agad..Alam na.

“Hello?”

“Hello Jayda?Busy ka?”

“Hindi naman,bakit?”

“Pwede magpatulong?”

“Sure. Anong tulong ba?”

———————————–

@ Kuya Luke’s House

Eto na. Nandito nako sa bahay nila. Actually parang,bahay nya. Wala naman kasi syang kasama dito sa bahay nila e.

And nagpapatulong pala sya sakin gumaw ng design para dun sa ginagawa nyang sketch ng isang bahay. E dun naman kasi ako magaling kaya tinulungan ko na sya. Ayun,nag-collaboration na kami para matapos yung project nya.

And after 2 hours..

Natapos din kami. Ang ganda nga nung nagawa namin e. Nag-apir pa kami nung natapos tapos nagtawanan. Hayyy…Grabe,lalo akong naiinlove sakanya.

“Salamat! Maraming thank you talaga Jayda.”  at nag0smile nanaman sya sakin ng nakakakilig. Yieh! Kinikilig nanaman ako!

“No problemo!Basta ikaw no?” nakangiting sagot ko din sakanya.

OMIGASH!

Tugudug!Tugudug!Tugudug!Tugudug!

Ang bilis ng tibok ng puso ko! Parang lalabas sa rib cage ko!

Shocks! Bigla nya akong niyakap!  Bakit nya ako niyakap? Waaah!

“inong seksing babae ang pwedeng yakapin ng ganito kahigpit? Ang lambot-lambot oh!” at lalo nya pang hinigpitan yung yakap nya. Waaah! Di ako makahinga! parehong dahil sa yakap nya at pati na rin sa malakas na kabog ng dibdib ko.

“K-kuya Luke. S-sandali. Di ako makahinga.”  medyo hirap na sabi ko. Di na talaga ako makahinga e. Sobrang higpit kaya.

“Ay sorry.” sabay bitaw nya. “Ang sarap mo kasing i-hug e. Para akong yumayakap ng stuff toy.Hehe.”

Waaah! Kahit nanunukso sya sa mga sinasabi nya. Di ko maiwasang di kiligin dahil sa ngiti nya. Ikaw ba namang ngitian ng ganun tapos yayakapin kapa ng ganun kahigpit? Aba! Jackpot! >.<

——————————————

Ilang months na rin kaming magkakilala ni kuya Luke. Lagi kaming magkasabay umuwi at lagi ring nakatambay kay manong kwek-kwek. Pinakilala ko na rin sya sa mga bestfriend ko pati na rin sa parents ko as my new bestfriend. Ako naman,kinukwento lang nya ako sa parents nya. Di naman daw nya ako maipakilala dahil nasa ibang bansa sila.

Eto,magkasama nanaman kami ngayon sa isang picnic ground. Nakahiga ako ngayon sa damuhan at nakapikit. Ini-imagine na forever na kaming magkasama ni kuya Luke. Ang saya siguro? Kahit palihim ko syang minamahal.

Napabukas ako ng mata ko ng may maramdaman akong dumampi sa labi ko. Pagtingin ko,hinahawakan ni kuya Luke yung lips ko at nakatitig sya dito. Kung di pa siguro ako nagsalita ay di nya mahahalata na nagising ako.

“Napano ka?” tanong ko sa kanya. Sya naman nag-iwas ng tingin tapos tumayo.

“Tara maglibot naman tayo.”

—————————–

Since that day naging medyo iwas na sakin si kuya Luke. Di ko alam kunga nong nangyari sa kanya. At mas lalaong tumindi pa ang pag-iwas nya sakin nung ipakilala nya sakin yung bestfriend nyang si Kaleb. Na kasalukuyang nanliligaw sa akin.

Oo. Nanliligaw. Si Kaleb kasi ay isang gwapong guy,actually kamukha nya pa nga si Jung Il Woo, mahilig sya sa mga chubby girls kaya daw nung nakita nya ako ay nagpumilit sya kay kuya Luke na ipakilala daw sya sakin. Kaya ayun. Kaya lang mula nun madalang na madalang ko nalang nakikita si kuya Luke. Ni hindi na nga sya nagtetext sakin e.

“Kaleb? May balita kapa ba kay kuya Luke?” tanong ko kay Kaleb habang naglilibot kami sa mall.

“Ah..wala na eh. Di na rin sya nagpapakita sakin simula nung nagkausap kami e.” kibit balikat na sagot nya.

“Ay ganun ba? Ano ba yung last na napag-usapan nyo?” tanong ko ulit.

“Sinabihan ko sya na wag ng masyadong lumapit sayo dahil di mo na sya kailangan at nandito na ako.”

What the?

“Bakit mo sinabi yun?” medyo napalakas yung boses ko kaya napatigil sya.

“Hindi ba obvious? Gusto ka nun? E sa ako na yung naunang nanligaw kaya di na pwedeng may umextra.”  nakangiti pa sya habang sinasabi yun. Grabe! Di ko alam kung ano magiging reaction ko? Kung magagalit ba ako dahil sa ginawa ni Kaleb o magsasaya dahil sa nalaman kong gusto ako ni kuya Luke?

“Di mo dapat ginawa yun.” mahinang sabi ko.

“Baket?Jayda?Gusto mo rin si Luke?”  seryosong tanong sakin ni Kaleb.

Grabe! Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Ni sa panaginip ko hindi ko hiniling na mangyari sakin to. Pero bakit? Bakit to nangyayari sakin? Hindi ako ganun kaganda para malagay sa ganitong sitwasyon.

“Sorry Kaleb…”  nakayukong sagot. Waaah!  Ayoko ng ganito!

“So Pinaasa mo lang ako? Naks. Ang sakit ah.”

“I’m really sorry….”

———————————–

2 months later……

Graduation na namin. And after this,pupunta nako ng america para dun na mag-college. Kinukuha na kasi ako ng tita ko. Pumayag na naman ako dahil sayang ang oppurtunities. Tsaka wala na rin namang Luke na babalikan ako dito…

Nagawa nya ngang halos dalawang buwan na hindi nagpaparamdam sakin e. Siguro may girlfriend na sya. Siguro masaya na sya kaya hindi na sya nagpaparamdam sakin…

Hayy…ang saklap talaga ng life.

Luke’s POV

Ang hirap.

Ang hirap umiwas kay Jayda. Pero kailangan kong gawin yun dahil nililigawan na sya ng kaibigan ko. Kahit matagal ko ng mahal si Jayda hindi ko naman naipagtapat ng maaga sakanya. Naunahan tuloy ako. Ang hirap kapag natotorpe na.

Sa pangalawang pagkakataon….

Nawala sakin yung babaeng mahal ko…

“Luke…”

Napatingin ako sa nagsalita. Si Kaleb.

“Oh Kaleb. Long time no see.”  I try to act cool para lang maitago tong nararamdaman ko. Pero sa totoo lang,gustong-gusto kong bawiin yung pinangako ko dati.

“Oo nga e. Kamusta na?”

Eto nasasaktan pain…

“Ok naman. Ikaw? Kayo ni Jayda? Sinagot kana ba niya?”  kahit alam kong masasaktan lang ako pag nalaman ko yun….

“Hindi. Luke matagal nakong di nanliligaw kay Jayda. Almost 2 months na.”

“Ano? Bakit? Anong nangyari?”

“Luke,ikaw yung gusto niya. Kaya ayun…Di ko nalang sya niligawan. Pero hindi ko na rin sinabi sayo. Alam ko naman kasi na kapag nalaman mo yun,lliligawan mo sya. At masakit yun sakin kaya ganun yung ginawa ko.”

What the??

Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano? Tong gagong to? Ang tagal na pala nyang hindi nanliligaw kay Jayda?????

“At Luke…Aalis na ngayon si Jayda. Pupunta na sya sa america.”

“Pare. One time lang.”

“Huh?”

——————————

Pagkatapos na malaks na suntok ko kay Kaleb ay agad na akong umalis para habulin si Jayda sa airport. Gagong lalaking yun! Akala ko wala na talagang chance samin ni Jayda pero meron pa pala? Ang masaklap nito baka mawala na talaga yung chance ko….

—————

Pagdating na pagdating ko sa airport ay agad akong pumasok sa loob pero hinarang ako ng mga guard at binitbit sa labas.

Ano to? Hanggang dito nalang ako?

Hindi ko na ba makikita ulit si Jayda? Forever?

Tsk! Takte naman oh! Naiiyak na ako dito! Kung bakit naman kasi ang saklap ng kapalaran ko pagdating pag-ibig e.

———————————-

Jayda’s POV

Nang makarating ako sa airport ay bigla nalang nag flashback lahat ng memories namin ni Luke. Lahat ng happy moments ko with him…

And di ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

Di ko kaya to. Ayoko ng tumuloy. Kailangan kong makita si Luke.

—————————

Lumabas na ako sa airport at dumiretso sa bahay nila Luke..

Pero hindi sya ang dinatnan ko doon. Si Kaleb.

“Jayda?” gulat na tanong nya

“Kaleb nasan si Luke?” agad na tanong ko sakanya

“Umalis sya. Sinundan ka nya.”

Kailangan kong bumalik sa airport. Kailangan ko syang makita ulit.

“Jayda sandali…”

Agad na akong tumakbo palabas ng bahay at hindi na nilingon si Kaleb. Pero sa pagtawid ko ay may narinig akong malakas na busina ng sasakyan…..

“Jayda…..!”

Ang bilis ng mga pangyayari….

Akala ko masasagasaan na ako. Pero may tumulak sa akin.

“Kaleb!”

Si Kaleb. Si Kaleb yung tumulak sa akin at sya yung nasagasaan!

Agad ko na syang nilapitan at inalalayan. Nagkaroon sya ng mga galos pero di naman ganun ka-grabe.

“Ok lang ako Jayda. Puntahan mo na si Luke. Malamang humahagulgol na yun sa airport. Make it worth it naman yung binigay nyang super punch sakin para sayo..”  nakangiting sabi nya. At doon ko nga napansin yung pasa nya sa may labi. So sinuntok sya ni Luke? Tss…

“Salamat Kaleb..” niyakap ko sya at tumayo na ako. Hinayaan ko na na yung nakabunggo sa kanya ang magdala sa kanya sa ospital.

———————————

Wala akong makuhang sasakyan! Kainis!

Tumingin-tingin ako sa paligid..

Aha! Nakita ko si manong kwek-kwek! Jackpot!

“Manoooooong! I need your help!”

———————–

Aweee! Pinagbigyan naman ako ni manong sa request. Hinatid nya ako sa airport gamit ang de motor nyang tindahan ng kwek-kwek.

Nang makarating na kami sa airport ay agad akong bumaba. Inilibot ko ang tingin ko baka sakaling makita ko si Luke.

At ayun nga,nakita ko sya sa tapat ng pintuan ng airport. Nakayuko at parang umiiyak..

Bago ako lumapit sa kanya ay bumili muna ako ng kwek-kwek kay manong atsaka nako naglakad palapit sa kanya. Kinulbit ko sya sa likod at ng mapaharap sya sakin ay hindi sya makapaniwalang nandun ako. Kinurot-kurot nya pa ako para lang daw masigurado na totoo daw na ako yun at hindi imagination. Nang masigurado na nyang ako yun ay binigyan nya ako ng mahigpit na yakap..

“Akala ko di na kita makikita. Akala ko mawawala kana sakin.” sobrang higpit parin ng yakap nya. Parang ayaw na akong pakawalan.

“Teka Luke,yung kwek-kwek mapipitpit!”  hirap na sabi ko. Agad naman syang bumitaw at nagpunas ng luha nya. Ang cute! >.<

“Bakit pala di ka umalis?” tanong niya,

“Kasi di kita kayang iwan. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko na aalis ako ng hindi man lang kita nakikita. Kaya nagdecide nalang akong bumalik..” nakangiting sagot ko sa kanya.

“E pano pala kung binalikan moko pero may iba na ako?”  nakangising tanong nya..

Aba? Loko to ah? Magtatanong pa sya ng ganyan e umiyak pa nga sya dito.

“Hinding-hindi na talaga ako babalik nun! Tsaka sisiguraduhin kong———-uhmp!”

OMG!

He….he….he kissed me!

“Never mangyayari yun.” nakangiting sabi nya pagkatapos humiwalay sa akin. Ako? State of shock parin!

“Akin na nga yang kwek-kwek na yan! Nagutom ako dahil sayo kaya dapat ilibre moko ng madaming ganito..”  sabay kinuha nya yung kwek-kwek sa kamay ko at naglakad na palayo sakin. Hinabol ko naman sya syempre..

“Oy! Akin na yang kwek-kwek ko!”

———————————

Grabe no? Di ko akalain na magiging ganito yung love story ko…

Nung una akala ko talaga wala ng papatol sakin. Pero tignan mo ngayon? Hayyy…Buhay nga naman. Parang life 😀

Nang dahil sa kwek-kwek…nakilala ko ang lalaking magmamahal sakin ng totoo.

———————————–

Anong nangyari kay Kaleb?  

Gusto nyong sequel? Haha

Anyways…. Thanks for reading. 

Don’t forget to comment.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s