I Confess (Jonne)

 

Pinanganak ako para maging listener sa mga taong may problema. Alam ko halos lahat ng drama sa buhay ng mga tao sa buhay ko. Madalas kasi na sa akin sila naglalabas ng problema. Madalas sa akin sila nagkukwento dahil nakikinig lang ako. Hindi ako sumasabat para isingit ang opinyon ko. Hindi ako nagkukwento ng tungkol sa sarili ko lalo na kung matindi ang pinagdadaanan ng taong nagkukwento sa akin.

Pero may mga pagkakataon din na naiisip ko, paano kaya kung ako naman yung magkwento? Paano kung ako naman yung maglabas ng sama ng loob sa mga taong pinakinggan ko?

There was a time na sobrang depressed ako. I needed someone to talk to. So naisip ko, kakausapin ko nalang yung friend ko na palaging nagkukwento sa akin. Sa kanya nalang ako magsasabi. Sigurado pakikinggan niya ako kasi pinakinggan ko siya noon. Pero nung time na gusto ko nang magsabi sa kanya, nagkwento siya.

Masaya siya.

Nakinig lang ako.

Hindi ako nagkwento.

Pagkatapos naming magkwentuhan at magtawanan, umiyak ako. Hindi ko nanaman nailabas yung sama ng loob ko. Pero ayaw kong sirain yung araw ng kaibigan ko. Kahit may time na tinatanong niya ako, “Ikaw? Kamusta ka naman?”

Hindi ko masagot ng totoo. Sasabihin ko ayos lang ako. Kasi kapag sinabi kong depressed ako baka masira ko lang yung araw niya. “Okay lang naman ako. Wala namang bago.”

May isa rin akong friend na lagi ko ding napapkinggan ang kwento. Achiever siya. Halos wala naman siyang problema na masabi dahil sobrang okay talaga ng life niya. Madalas na kwneto niya sa akin yung mga experiences niya at love life.

One time nung nagkita-kita kaming magbabarkada after a long time, nagkukwento siya tungkol sa trabaho niya. Tungkol sa mga masasayang karanasan niya doon. Sobrang saya niya. Ako din masaya ako para sa kanya. Promise. Dream niya ‘yun e.

And since nagkakakwentuhan na din about sa trabaho, gusto ko din ishare yung mga experience ko. Madami din naman kasi akong na-experience na masasaya at kakaiba sa trabaho ko kaya gusto ko din ishare sa kanila. All hyped sila nung nakikinig sa kanya, then after niya magkwento, umentrada ako.

Siguro boring lang talaga ako magsalita o boring lang siguro yung mga nagawa ko. Isa lang yung nag-turn ng attention sa akin nung nag-kwento ako at pilit pa ‘yun dahil sa kanya ako nakatingin. Busy na sila lahat nung nagkwento ako. Medyo na-hurt ako syempre pero wala naman akong magagawa. Kaya para matapos nalang, bigla kong isiningit sa kwento ko na may ginawa din ako sa trabaho ko na hilig nung friend ko. Tapos ayun, siya na yung nagkwento. At nakinig na sila.

Siguro nga mas maigi na makinig nalang ako. I was never meant to be the center of attention. Siguro may dadating din sa buhay ko na handang makinig sa mga kwento ko. O kung wala man, sana kahit isang stranger nalang.

Jonne.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s