In My Head (Chapter 1: Trouble)

Trouble – P!nk

You think your right

But you were wrong

You tried to take me

But I knew all along

You can take me

For a ride

I’m not a fool out

So you better run and hide  

After 2 years…

Madaming nangyari sa loob ng dalawang taon. Madaming nagbago.

Nakita akong nakatapon sa tabi ng kalsada nang gabing ‘yun at may nagdala lang sa akin sa ospital. Nahuli rin agad ang hayop na lalaking gumahasa sa akin. Isa daw siyang fan na matagal na akong iniistalk. Whatever he is, sana mabulok na siya sa kulungan at hindi na makalabas pa.

Hindi ko alam kung paano nila siya nahuli, basta ang alam ko lang ay walang alinlangan niyang inamin ang lahat. Gustong-gusto ko siyang patayin ng mga panahong iyon. Kaya hindi ako hinayaang makapunta sa kahit anong court hearings. Pero kahit wala ako, nakulong pa rin siya. Sayang nga lang at hindi ko nakita kung paano siyang hinatulan.

***

Katatapos lang ng meeting ko with the publishing house. Marerelease na ang first book ko after the incident. Medyo natagalang nga dahil biglang nagbago ang genre at style ng pagsusulat ko. Kahit ako ay nanibago pero I think I’m better this way.

I can’t write romance anymore. Dahil sa nangyri nawala na ang katiting na love cell na meron ako. Now, I can only write morbid and very tragic thriller novels. Where the female lead kills all the guy in the story.

“Marg, hatid na kita?” Sabi ni Adrian na parang kabute na bigla nalang sumulpot sa harap ko.

Binigyan ko lang siya ng blangkong tingin, “Adrian? Hindi ka ba nagsasawang sunod ng sunod sa akin? Wala ka bang pride?”

“It’s for your safety. Gusto lang kitang protektahan, masama ba ‘yun?” Seryosong sagot naman niya at parang halos mangusap pa ang mga mata niya sa sincerity. But I just rolled my eyes. Kahit gaano pa siya ka-sincere, hinding hindi ako magtitiwala sa kanya at sa kahit sinong lalaki.

“Kaya ko sarili ko. Get lost, Adrian. I don’t need you.”

Sumakay na ako sa kotse ko after ko siyang prangkahin. I know I’m being harsh, pero kung hindi ko gagawin yun magmumukha lang akong easy prey sa kanila. I’d rather be alone forever than trusting someone and making the same mistake again.

***

Nakarating na ako sa condo na recently ko lang nilipatan. Masyado na kasi akong binobombard ng mga fans at reporters sa dati kong bahay. So I needed a new place to stay. Luckily, merong condo na secure na kagaya nito.

“What floor?” Tanong ng lalaking nakasabay ko sa elevator.

Hindi ko siya pinansin. Ako nalang mismo ang pumindot sa floor number 12. Pero napansin ko na hindi siya pumindot ng floor number niya. Bigla akong kinabahan kaya naman pinindot ko ng pasimple ang 10th at 11th floor. At dahil mirror ang pinto ng elevator, madali kong nakikita kung may kakaiba na bang ginagawa ito.

Matangkad siya. Maputi at matangos ang ilong. Mukha namang desente pero hindi porket mukhang desente ay dapat makampante. Pinakikiramdaman ko pa rin siya kahit na prente lang siyang nakasandal at busy sa phone  niya. Ngayon ko lang din napansin ang suot niya. Naka-uniform siya. May nakaipit din na cap sa braso niya at may dala siyang maleta. I think isa siyang pilot.

“Shit!” halos sabay naming bulalas.

Bigla kasing huminto ang elevator at namatay ang ilaw sa loob. Bakit ngayon pa? Shit! Shit! Hindi ko kayang tagalan ‘to! Mawawalan ako ng malay anytime!

“Urgh! What happened?” narinig kong sabi niya habang paulit-ulit na pinipindot ang emergency button.

Hindi ko siya pinapansin. Dahil ang tanging concern ko ay ang katawan kong unti-unti ng bumabagsak dahil sa kawalan ng hangin sa loob.

“Hey? Are you okay?” tanong niya sabay sapo sa mga balikat ko ng bigla akong matumba.

“Don’t touch me.” mabilis na sagot ko atsaka ko na tinabig ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko.

“Okay?” sarkastikong sabi niya, “I’m just trying to help.”

“I don’t need your help.”

Nanahimik na siya after kong sabihin ‘yon. Hirap na hirap na akong huminga pero pinipilit ko paring tumayo. Siya naman ay pilit na sinusubukang kumuha ng signal. Para namang may mangyayari kung pipilitin niya?

Bigla siyang napatingin sa akin kaya nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya. Nagulat nalang ako ng bigl niyang buhatin ang maleta niya at hinagis iyon sa top cover ng elevator. Agad namang bumukas ang isang bahagi ng cover at maagap niyang sinalo ang maleta niya.

“I hope this helps.” mabils na sabi niya, magsasalita pa dapat  ako pero nagsalita nanaman siya, “Ah! Don’t get me wrong. Ginawa ko lang ‘yun para sa akin. Di kita tinulungan. Ayokong ma-hassle kapag nadatnan may nadatnan silang patay dito na kasama ko.”

This asshole! Okay, fine. Wala akong pakialam sa reason niya. Nag-benefit naman ako so hayaan nalang. Nakakapagod magsalita lalo na kung hindi worth it yung kausap. Sigurado naman na maya-maya lang ay may dadating ng tulong dito.

***

Halos isang oras na kaming stuck sa elevator at wala pa ring dumadating. Nanggigigil na ako sa sobrang inip. Panis na panis na ang laway ko at bagot na bagot na rin ako. Gusto ko ng matulog! But I can’t let my guard down. I don’t trust this jerk.

“I’m being punished.” Out of the blue na sabi niya habang pinaglalaruan ang phone niyang nalowbat na dahil sa kakakalikot niya.

As usual, tinignan ko lang siya. Then pumikit ako para maipahinga ko na kahit sandali ang mga mata ko dahil di ko na talaga kayang itagal pa ‘to. Pero si kuya guy, talagang madaldal.

“If this is the last day of my life, it’s the worst. Mas okay pa kung ako lang mag-isa. I think I can survive. But having you here? Ang bigat sa atmosphere. Para kang bag full of negativity.” tuloy tuloy na sabi ng gago.

Ayoko siyang pag-aksayahan ng oras pero medyo nainis ako sa sinabi niya. Parang kasalanan ko pa na sira ang araw niya ah?

“Wag kang mag-alala. Hindi mo pa last day ‘to. Kasi I’ll make sure ma everytime na magkikita tayo, sisirain ko ang araw mo. Ishi-share ko lahat negative vibes ko sa’yo.” Sarcastic na sagot ko sa kanya sabay ngumiti ako ng sobrang fake.

“Don’t bother. I’ll make sure we’ll never see each other again.” Sarcastic din na sagot niya.

Umiling nalang ako at di siya pinansin. Sana nga dina kami magkita ulit. Kumukulo ang dugo ko sa kanya! Sana di na siya makalabas dito. Sana mabaon na siya dito kasama ng negativity na sinasabi niya.

“Yes!” bulalas niya nang biglang bumukas ang ilaw at ang biglang pag-akyat ng elevator.

Nakahinga din ako ng maluwag, dail sa wakas! Maghihiwalay na ang landas namin ng hinayupak na pilotong ‘to.

Agad akong lumabas ng elevator nang magbukas ito sa 12th floor. Pero imbis na mexcite ako, nainis ako lalo. Lumabas din kasi siya ng elevator at ngayon ay naglalakad siya sa likuran ko. Nang makarating ako sa tapat ng uit ko, huminto ako at humarap sa kanya. Sisinghalan ko dapat siya pero naunahan nanaman niya akong magsalita.

“Tsk. Tsk. Unlucky me.” Naniningkit na mga mataang sabi niya sa habang binubuksan ang katapat ng unit ko. What the actual f*ck?

Padabog akong pumasok sa unit ko. Bakit gaon ko lang siya nakita dito? Six months na akong nakatira dito pero ngayon ko lanag siya nakita. Bagong lipat ba ‘yun? Shit. Puno ng shit ang araw na ‘to.

“Anong nangyari sa’yo?”

Napatingin ako sa nagsalita. Si Claire. Mukhang kagigising lang ng gaga. Isa pa ‘to e. Sarap buhay.

“Wag mong sabihin na kagigising mo lang?” mataray na tanong ko.

Kung hindi lang talaga ako naawa sa kanya, hindi ko naman siya papatirahin dito e. Kung hindi lang kami pareho ng pinagdadaanan, matagal ko ng pinalayas ‘tong barubal na ‘to.

Si Claire yung babaeng nakita ko nung nagising ako sa ospital two years ago. Pareho kami. Rape victim din siya. Tatlong araw na siya sa ospital noong dalhin ako doon. Walang sumusundo sa kanya dahil hindi alam ng pamilya niya ang nangyari. Siya lang ang tanging kinakausap ko ng mga panahon na ‘yon dahil wala akong tiwala sa ibang tao sa paligid ko. Sa kanya lang dahil pareho kami.

Dati dinadalaw lang niya ako. Pero nalaman ko na wala siyang matinong mapuntahan kaya pinatira ko nalang siya sa bahay. Di rin naman masama kasi wala na akong nakakasama. Simula kasi nung makidnap ako, hindi ko na rin nakita si Sofia. Pinahanap ko siya pero hindi talaga siya mahanap. Naiasip ko nga, siguro sobrang takot niya sa nangyari, dinistansya niya nalang ang sarili niya. Pero sana kung nasaan man siya, sana ayos lang siya.

“Sorry na. Napuyat ako kagabi e.” natatawa pang sabi niya.

Tinaasan ko siya ng isang kilay at tinignan ng seryoso. Aba’t masyadong buhay prinsesa si ate girl dito ah?

“Wow ha? May gana ka pang magpuyat e wala ka na ngang naitutulong sa akin.”

Napayuko siya at halatang nahiya siya dahil sa sinabi ko. She should. Para kasi akong nagkaroon ng palamunin dito.

“Sorry. Hayaan mo maghahanap na ako ng trabaho. Promise.”

Hindi nalang ako sumagot at dumiretso na ako sa kwarto ko. Masyadong maraming nangyari ngayong araw na ‘to. Baka kapag hinarapan ko pa siya, atakihin na ‘ko.

***

Today is another day. Kailangan kong simulan ang araw ko na walang mambubwisit sa akin. Iiwasan ko lahat ng bad vibes sa buhay ko. Lalong-lalo na ang mga lalaking bwisit sa buhay ko.

“Good morning!” bati ko kay Claire nang makita ko siyang kumakain sa mesa.

Hidnni siya agad nakapagsalita dahil siguro nagulat siya sa pagbati ko sa kanya. I don’t usually do this, pero gusto ko lang umayos ang araw ko. Kaya sisimulan ko ng maayos.

“Good morning din. Ang aga mo ah?” Masayang tanong niya.

“Mag-jogging lang ako sandali I’ll be back to go to work.”

Lumabas na ako ng unit ko at inayos ang earphones ko. Nang mapadaan ako sa katapat na unit ko, bigla nanaman akong nainis. Pero pinakalma ko ang sarili ko. Chill ka lang, Marg. Okay?

Pasimple ko munang sinilip ang elevator kung nandoon ba siya. And thank God at wala. Mabilis kong pinindot ang close button para kung sakaling humabol man siya, di na siya makasakay. Talagang ipupush ko ‘tong pag-iwas sa bad vibes. Ayokong maging bag full of negativity kagaya ng sinabi ng gagong ‘yon.

Paglabas ko ng elevator dumiretso agad ako sa lobby para mag-good morning sa front desk. Nakangiti ko naman silang binati at ganun din sila sa akin. Babatiin ko din sana ang building manager kaso may kausap siya. Tuloy-tuloy nalang akong naglakad, kaso narinig ko sila.

“Mr. Reed, hindi po pwede talaga. Occupied na po lahat ng unit.” Paliwanag ng building manager.

“I can pay double if that’s the problem. Just please let me move elsewhere.”

Natawa ako ng mahina. He’s the guy from yesterday. Mukhang nagrerequest siyang magpalipat ah? Akala ko makakaligtas na ako sa bad vibes na dala niya. Pero nandito na rin lang at nangyari na rin lang, tototohanin ko nalang ang sinabi ko sa kanya. Sisirain ko talaga ang araw niya everytime na magkikita kami.

“Good morning, Mr. Lee!” Masayang bati ko. Nabigla sila pareho. Pero binati naman ako agad ni Mr. Lee. Unlike him, biglang nagbago ang mood niya.

“Oh Marg! Have you meet your neighbor? This is Mr. Wesley Reed. Lumipat siya last two weeks ago.” pagpapakilala niya, “Mr. Reed, this is Margaret Colle.”

“I’ve met him yesterday, actually.” Nakangiting sabi ko kay Mr. Lee, then tumingin ako sa Wesley na ‘to at nginitian ko din siya.

“I guess I’ll see you more often.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s