In My Head (Chapter 2: Just Like Fire)

Just Like Fire – P!nk

Just like fire, burning up the way
If I can light the world up for just one day
Watch this madness, colorful charade
No one can be just like me any way
Just like magic, I’ll be flying free
I’mma disappear when they come for me
I kick that ceiling, what you gonna say?
No one can be just like me any way
 

It’s been a month. Ha! At mukha talagang iniwasan akong makita ng Wesley na ‘yun? Takot much?

Well, I don’t really care. As long as peaceful ang buhay ko, then it’s fine. Mabuti na ngang umiwas siya sa akin kesa lagi kaming magbangayan kapag nagkikita kami. Mas madami akong importanteng dapat gawin sa buhay ko. At isa na dyan ay ang ipromote ang bagong labas na libro ko.

May naka-schedule akong book signing event ngayon. And this is the first time na gagawin ko ulit ‘to after ng nangyari sa akin. The last time na nag-book signing ako, it was a tragedy. I just hope this time wala ng mangyaring ganun.

***

Madaming pumunta sa event. Punong-puno ang event center ng mall. Sabi pa sa akin ng manager ko, may iba sa kanila na galing pa sa malalayong lugar at halos mag-camping na sa labas ng mall.

What a bunch of pathetic losers? How can they be so devoted to a work of fiction? Hindi ko alam kung anong nakita nila sa sinulat ko at nagustuhan nila. Ako mismo hindi ko na maintindihan ang mga pinagsusulat ko.

May nabasa nga ako sa isang blog na kaya lang daw naging sobrang hit ng book ko ay dahil naaawa sa akin ang mga tao. Lame.

  I don’t care what people think of me pero ayoko lang na inaappreciate ako dahil sa nangyari sa akin hindi dahil sa kung ano ako. I know hindi lahat ng nandito ay ganun ang tingin sa akin. Pero hindi ko pa rin masabi kung sa kanila ang totoong reader at ang mga nakiki- ‘sympathize’ lang.

“We’ll start na, Marg.” Sabi ng manager ko sa akin matapos akong iintroduce ng host ng event.

Nagsigawan ang mga tao at itinaas pa nila ang libro ko. Daig ko pa ang artista dahil sa hiyawan nila. Nakangiti naman akong lumabas at kumaway sa kanila. UrghI need to fake this para daw di sila madisappoint.

“Hi guys! Thank you so much for being a part of this event. I really appreciate you all.” Masayang sabi ko sa kanila.

After ko magsalita ay pinaupo na ako at ang host naman ulit ang nagsalita para sa kanila. Grabe. Parang di yata kakayanin ng kamay ko ang pumirma sa dami ng mga tao.

“Okay, so bago natin simulan ang book signing, magkakaroon muna tayo ng small talk with Ms. Margaret Colle.”

Napatingin ako sa host. Anong talk? Ang alam ko book signing lang ‘to. Tapos na’kong magsalita. Anong talk pa ang kailangan nila?

“So, we’ll pick five people from the crowd na magtatanong kay Ms. Margaret ng kahit ano about the book.

Pakana nanaman ‘to ng publisher ko. Alam niyang hindi lang basta about the book ang itatanong nila. Of course, this is the best time para ma-promote ng sobra ang book ko. People will sympathize with me. F*ck this PR stunt!

And it started.

The first three people were picked and asked me questions about the book. So far wala pa naman kakaibang nangyayari. Sana wala na.

“Now, for the fourth lucky reader. Number 13.”

Umakyat sa stage ang isang babaeng teenager na nakasalamin. Halos madapa pa nga siya bago siya makarating sa tapat ng mic. Nginitian ko nalang siya kaya ngumiti din siya sa akin.

“Hello po Ms. Maragaret.” Panimula niya kaya sumagot din ako ng ‘hello’ sa kanya, “Itatanong ko lang po sana if yung story behind the book is based by your own experience?”

There you go. Tumingin ako sa publisher ko at nakita ko siya sumigaw sa hangin ng ‘Yes!’

Binalik ko ang tingin ko sa teenager na ‘to. I’m sure ginamit lang siya para itanong sa akin ‘yun. I can’t just give them what they want.

“Oh honey, this is all work of fiction. Alam niyo naman na I treasure girl power diba?” Nakangiting sagot ko habang nakatitig sa kanya, “Sa reality kase, ang tingin sa mga babae, mahina at easy target. So itong book ko ang way ko para sabihin sa society na hindi porket mga babae tayo, hindi na natin kayang lumaban. We actually can. ‘Wag lang natin laging paiiralin yung puso, dapat utak ang ginagamit.”

Saglit silang natahimik. At ilang sandali pa ay pumalakpak ang lahat. Napatingin ako kay Elena. Nakangiti siyang umiiling. I’m just as sneaky as you are.

The book signing event went through. 500+ people is not a joke. Sumakit talaga ng bongga ang kamay ko. Nakailang palit din ako ng pen dahil nauubusan ito ng tinta. But all in all, it was a success. Though may instances na talagang may magtatanong kung kamusta na ako after ng nangyari, hindi nalang ako sasagot at ngingitian ko nalang sila.

“Marg.” Tawag sa akin ng manager kong si Kim habang papalapit siya sa akin, “Someone’s here to see you.”

Bago pa man ako makasagot, nakita ko ng paakyat sa stage si Adrian Lee. May dala itong malaking boquet ng bulaklak. Nagsigawan ang mga tao nang makita siya. What do you expectHe’s an actor.

I guess hindi pa tapos ang mga pakulo ni Elena para sa publicity stunt ng pagpapasikat sa libro ko. Well, I’m so done with her little games.

“What are you doing here?” Tanong ko nang makalapit siya sa akin.

Bago siya sumagot ay hinalikan niya muna ako sa pisngi. Lalo ko siyang pinanlisikan ng mata dahil sa ginawa niya.

“Relax. I’m here to congratulate you. And to give you this.” He handed me the boquet.

Hindi ko alam kung bakit niya pilit na pinagsisiksikan ang sarili niya sa akin kahit na ilang beses ko na siyang pinahiya at itinataboy.

“Adrian. Stop this.” Seryosong sabi ko at tumayo na’ko para emexit sa stage.

Dire-diretso na akong umalis sa event. I already endured so much today. Di ko na kayang makipag-plastikan kay Adrian para magpakitang-tao.

***

The next thing I know, nasa news at internet na kami ni Adrian. May relasyon daw kami. And I’ve been receiving different reactions from my readers and from his fans.

“Hala? E diba sobrang hate mo yung Adrian na ‘yun?” Sabi ni Claire na kakabasa lang din ng ‘big news’ about sa amin.

“Yeah. But what can I do? Iba ang gustong paniwalaan ng mga tao.” Frustrated na sagot ko sa kanya.

“Ba’t di ka muna kaya umalis at magpalamig? Tumakas ka muna sa mga reporters na nagbabantay sa’yo.”

Oh yeah, after ng big news nagsimula nanaman ang mga reporters na nag-aabang sa akin sa labas ng building. They want me confirm it pero sabi ng manager ko, mas mabuti ng hayaan ko nalang si Adrian na ayusin ang gulong sinimulan niya. And maybe, Claire was right. Maigi na rin siguro kung umalis na muna ako para naman marefresh ang utak ko.

“Okay ka lang ba dito mag-isa for three or four days?” Tanong ko sa kanya nang mapagdesisyunan ko ang sinabi niya.

“Oo naman. Kahit one week pa. Basta magpahinga ka lang at ienjoy mo ang freedom mo.”

***

I’m already here at the airport. Tinulungan akong makatakas ng manager ko sa mga reporters sa labas ng building. Okay lang din sa kanya na nagdecide akong umalis muna. Siya na daw ang bahala kay Elena at sa ibang schedules ko. Kagaya ng sabi ni Claire, ienjoy ko nga muna daw ang bakasyon ko.

Cebu Pacific flight 880 to BascoBatanes is now boarding.”

That’s my plane. Kinuha ko na ang maleta ko at naglakad na’ko papunta sa gate.

On my way, napatingin ako sa mga kasabay kong naglalakad. Parang may nakita akong pamilyar. Tumigil ako saglit at humarap sa isang babae na naglalakad. Si Sofia.

“Sofia?” Tanong ko ng medyo mapalapit siya sa akin.

Nagulat ako nang biglang mag-iba ang nakita ko. Nagtatakang tumingin sa akin ang babaeng tinawag ko. Nag-sorry nalang ako at tumuloy sa paglalakad. I don’t know what happened. Bigla ko nalang naalala si Sofia.

***

“Welcome to Batanes!”

Yan ang salubong sa amin nang makalapag na ang eroplano sa Batanes. YesFresh air!

“Aray!” Reklamo ko ng bigla akong gulungan ng maleta ng pesteng lalaking dumaan.

“I’m sorry! Di ko….”

“Wow. Long time no see?” Nakangising sabi ko nang makita ko yung ungas na ‘to.

“Paano ka napunta dito??” Gulat na sabi niya.

“Obviously, via plane. Kalalabas ko nga lang diba.” Sarcastic na sabi ko, “E ikaw ba’t nandito ka?” Balik na tanong ko.

“I’m the pilot, obviously.”

Hanggang dito ba naman? Akala ko matatahimik na’ko. Tumakas pala ako sa stress para humarap sa panibago. Ugh. I’ll just do my best para maiwasan ‘tong lalaking ‘to.

***

ClichéThis is so cliché. To whoever writing my story I just want you to know that this is so cliché. We’re staying in the same hotel at magkatapat pa ang rooms namin. Akala ko nagpalipad lang ng eroplano e may balak din palang magbakasyon dito.

“Hello, Kim? Ask ko lang sana kung hindi na ba pwedeng ipabago yung departure date ko dito?”

Kating-kati na akong umalis dito dahil sa inis ko sa pilotong ‘yon. Same level lang ng inis na meron ako bago ako umalis ng Manila.

“Marg, tapusin mo nalang yung isang linggo mo dyan. Medyo magulo pa dito e.”

Napailing nalang ako at binaba ang call. I don’t have a choice I guess. Just stay away from that guyFrom any guy.

  Nagbihis nalang ako at nag-ayos para magpunta sa pool. Magpapalamig nalang ako ng ulo doon. Hindi ko nalang siya papansinin kung sakaling magkrus ulit ang landas namin.

***

So I went to the hotel’s private pool. Suot ko ‘tong one-piece bathing suit na bigay sa akin ni Kim. Well, I know she bought this kasi may plano kami dati na mag bakasyon dati kaso ako lang ang nakaalis.

Anyway, ayun ako lang mag-isa dito. Medyo madilim na pero nakabukas naman yung mga lights na medyo dim lang. Maganda ang view at malamig ang hangin. Haaay… This is so refreshing.

Umupo muna ako at nagpahangin. Matagal na rin bago ako nakaramdam ng peace na kagaya nito. Yung walang nanggugulo o nangaaburido sa akin. Ang sarap sa feeling. I can just live here forever.

“What a great way to ruin my night.”

Napalingon ako sa nagsalita. Nakakita ako ng abs. Agad kong inangat ang tingin ko sa mukha ng lalaking ‘yon. At syempre, yung bwisit na piloto nanaman. Hindi ko siya pinansin gaya ng sinabi ko sa sarili ko. I’ll just pretend na hindi siya nag-eexist.

“Back again to ignoring me, eh?” Natatawa pang sabi niya.

Umupo siya sa upuan na katabi ng sa akin. May dala din siyang isang malaking mug ng beer. Ugh. Bakit pa siya nag-stay? Akala ko ba I ruined his night?

“Go away.” Seryosong sabi ko pero hindi ako tumingin sa kanya. I don’t want to lose my cool over this annoying guy.

“Ikaw na. Ikaw nakaisip.” Pabalang na sagot niya.

Hindi talaga ako makapaniwala sa ugali ng lalaking ‘to! He’s so rude and so full of himself!

“I thought I ruined your night? Might as well walk away kesa sirain ko ng tuluyan buhay mo.” Sarcastic na sabi ko habang pinapanatiling mahinahon ang sarili ko.

Kanina pa kumukulo ang dugo ko pero ayokong pag-aksayahan ng panahon ‘tong lalaking ‘to. He’s not worth it. Pero feeling ko isa pang hirit niya babangasan ko na siya.

“Exactly! O baka naman gusto mo lang talaga akong makasama dito kaya ayaw mo pang umalis?” Nakangising sabi niya matapos niyang uminom ng beer na dala niya.

Tahimik lang akong tumayo at tinitigan ko ang makapal na mukha niya. Napatingin din naman siya sa akin. Ngumiti ako sabay kinuha ko yung mug niya na halos kalahati pa ang laman na beer. Dahan-dahan ko itong ibinuhos sa ulo niya. Napapikit siya habang naliligo sa alak. Nang maubos ko ang laman ay ibinalik ko na iyon sa small table kung saan ito nakalagay kanina. Hindi na ako nagsalita pa at dire-diretso na akong naglakad palayo.

“Hey!” Narinig kong sigaw niya kaya lumingon naman ako.

“Ano gusto mo p—–ahhhhh!”

Tinulak niya ako sa pool! That jerk really pushed me! Talagang gago pala talaga siya ano? Humanda siya sa akin pag-ahon ko dito! Kakalbuhin ko lahat ng parte ng katawan na may buhok siya! Ugh! Mabuti nalang at marunong akong lum—-

Bigla nalang may humila sa beywang ko. It was him! Yakap-yakap niya ang beywang ko habang inaakyat ako mula sa pool. What the hell just  happened?

“Are you okay?” Hingal na hingal na sabi niya.

Hindi ako makasagot. Naninigas ang buong katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang hininga niya sa balikat at sa leeg ko. Hanggang ngayon ay mahigpit siyang nakayakap sa akin mula sa likuran.

Sh*tKinakabahan akoMay gagawin ba siya sa akinBakit hindi pa niya ako binibitawanSh*tEto nanaman yung pakiramdam na yunSumisikip nanaman ang dibdib ko!

“I’m sorry. I shouldn’t have done that.”

Matapos niyang sabihin ‘yon ay bumitaw na siya sa akin. Mabigat pa rin ang paghinga ko pero mas gumaan na ang pakiramdam ko ngayon na binitawan na niya ako. Inalalayan niya akong tumayo pero tinabig ko ang kamay niya at tumayo nalang akong mag-isa.

“Hey, I’m really sorry.” Habol niya pa at sinubukan niya ulit akong alalayan kaya hinarap ko na siya.

“Don’t touch me! Stop touching me!”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s