In My Head (Chapter 3: Barbies)

Barbies – P!nk

I wish I could go back to playing barbies in my room
They never say that you gotta grow up, quite this soon 
How fast things change, and now I’m here 
And all I wanna do 
Is go back to playing barbies in my room

Hindi ako lumabas ng kwarto ko buong araw. Dahil bukod sa inis na nararamdaman ko, para bang bigla akong nilagnat. Siguro dahil sa takot at kaba ko sa nangyari kagabi.

Dalawang beses na rin niya akong kinakatok dito sa kwarto ko. Mukhang nakonsensya ata siya sa pagtulak niya sa’kin sa pool. Pero wala na’kong pakialam dun. Hindi naman yun yung dahilan kung bakit ayaw ko siyang makita. May anxiety kasi ako sa mga lalaking humahawak sa akin intimately. At dahil sa ginawa niya sa’kin kahapon, hindi nanaman ako mapakali. Hindi ko rin sure kung aware ba siya na niyakap niya ako o adrenaline rush lang ‘yun. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano dahil mas lalo lang lumalala ang sitwasyon ko.

Halos 12 hours na akong nakakulong dito sa loob ng kwarto ko. Wala pa akong kinakain. Ramdam ko ang anxiety ko pero ramdam ko din ang kalam ng sikmura kong kanina pa nagko-concert. Nagaalangan din kasi akong tumawag sa intercom dahil baka mamaya pagbukas ko ng pinto nagaabang yung piloto sa labas.

Pero shet. Sobrang gutom na’ko. I need to at least try. Baka naman wala siya dun.

Dinial ko na ang room service sa intercom para umorder ng food ko. Agad naman silang sumagot at sinabing iaakyat na nila iyon in just five minutes.

1…

2…

3…

4…

5…

6…

7…

After seven minutes may kumatok na. Ugh. Sabi nila five minutes lang. Tss. Anyway, binuksan ko na ang pinto at napatingin agad ako katapat na kwarto ko. Wala siya sa labas.

Agad ko ng pinapasok ang babaeng naghatid ng pagkain ko. Inilapag niya sa bedside table ang pagkain tapos ay lumabas na siya. Seryoso kong tinignan yung babae habang palabas siya. Para kasi siyang nakangiti tapos namumula pa. Napano ba ‘yun?

Whatever.

I need to eat.

Hinarapan ko na agad yung pagkain. Grabe. Sa sobrang gutom ko hindi ko na alam kung alin yung uunahin kong isubo. Urgh! Food is life!

“Hmm? Ano ‘to?” Tanong ko sa sarili ko nang may malaglag na papel nung kinuha ko yung buko juice para inumin.

HiI know you’re mad at me and I’m very sorry for what I didKung meron pa akong ibang nagawa na ikinagalit moI’m sorry too for that.

Don’t worryhindi ko pinakelaman ang food moI just simply asked the lady to include my letter on your trayGusto ko lang bumawi sa’yoI know I acted so immature towards youKaya sana bigyan mo’ko ng chance para mabawi yung pangit na image na napakita ko sa’yo.

Go to the shore mamayang 7pm. I’ll be waitingHope to see you there.

– Wesley.

Nagkibit balikat nalang ako at sabay nilamukot ang sulat niya. I don’t care. Manigas siya kakahintay. At ano namang naisipan niya at akala niya madadala niya ako sa pasulat-sulat niya? Kaya pala ngingiti-ngiti si ate kanina. Ano kayang klaseng suhol ang binigay ng lalaking ‘yun sa kanya?

At kahit na ano pa man ‘yun, di tatalab sa akin ang kahit na anong panunuyo ng pilotong ‘yun. Kung si Adrian nga na three years na akong sinusubukang ligawan, ni minsan hindi ko binigyan ng chance. ‘Yan pang lalaking ‘yan na ilang beses ng nambwisit sa akin?

***

“I don’t know, Claire. Na-trigger talaga yung anxiety ko dahil sa ginawa niya.” Paliwanag ko kay Claire na kausap ko ngayon sa phone.

“Marg, mag-relax ka lang. Wag kang magpanic. Basta maging alert ka nalang kung sakaling may kakaibang gawin sa’yo yang lalaki na ‘yan.”

I am. I can defend myself, now. Hindi nalang ako basta-basta matatarget ng kung sinong manyakis dyan. Ang hindi ko lang alam ay kung paano ko kokontrolin ang sarili ko sa panic attacks. Madaling sabihin na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko pero mahirap panindigan lalo na kung nandyan na ang masamang sitwasyon.

“Ako ng bahala dito. Sige na matulog kana.” Sabi ko nalang sa kanya.

“Ang aga pa kaya. 7pm palang oh.”

Napatingin ako sa orasan. 7pm. Lumingon ako sa bintana at tumingin sa may dagat. Sandaling sumagi sa isip ko na hinihintay ako ni Wesley doon. Pero sandali lang naman. Parang split of second lang tapos naalala ko nanaman na galit ako sa kanya. So yeah, bahala siyang maghintay.

“Okay, fine. Oh by the way, alam mo ba something weird happened nung nasa airport ako.” Pag-iiba ko ng topic.

“Ano naman ‘yun?”

“I think I saw Sofia. Nakita ko siya pero nung lapitan ko, ibang tao na.”

Sandaling natahimik si Claire. Siguro ay nagulat din siya dahil sa sinabi ko. Maging ako ay nagulat ng bigla kong makita si Sofia.

“Sigurado ka bang nakita mo siya? Baka naman naiisip mo lang siya nun or namimiss mo lang siya kaya parang akala mo nakikita mo siya.” Makabuluhang sabi ni Claire.

Naisip ko, oo nga siguro. Baka nga deep inside me, nangungulila pa rin ko kay Sofia. I just hope that sana, someday, makita at makausap ko ulit siya.

Claire and I ended the call after almost two hours of non-stop chikahan. Madami kaming napag-usapan. Halos kinuwento niya yung experience niya kanina sa paghahanap ng trabaho. I’m glad na kahit papano kaya ng mag-step up ni Claire para sa sarili niya.

***

I took a shower then I decided to go out. It’s already 10pm kaya siguradong wala na ‘yun. Masyado ng na-consume yung time ko na mag-enjoy dahil sa pag-iwas ko sa kanya.

Inayos ko na ang suot kong bohemian beach dress. Ngayon lang ako makakapag-awra awra dito. Ni hindi ko pa naexplore ng tuluyan ‘tong lugar kaya ititake ko na ‘tong chance para makalanghap ng fresh air ulit.

Lumabas na ako at dumiretso sa may shore. Tahimik at konti nalang ang tao. Halos mga couples na naglalandian lang. Whatever. Mas masayang maglakad-lakad mag-isa.

“You came.”

Napalingon ako sa nagsalita. Nandito pa pala siya. Nakasuot siya ng beach shorts at sandong itim na fit sa malaking bulto ng katawan niya. May hawak siyang isang bote ng beer habang naglalakad mula sa bar counter ng resort. Hobby ba ng isang ‘to ang maglasing?

“Actually, no.” Seryosong sagot ko lang at tumuloy na ako sa paglalakad ko.

“Then what are you doing here?”

“Bakit bawal ako dito?”

“May sinabi ba ako?”

“Bakit ka ba nakikialam?”

“Nagtatanong lang ako.”

“Sumasagot lang din ako sa tanong mo.”

“Hinintay kita.”

Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. Natigil ako sa paglalakad at tinignan ko siya ng seryoso bago ako sumagot, “I never said na dadating ako.”

“But you’re here.” Nakangising sagot naman niya.

Umiling nalang ako then I rolled my eyes. This guy is unbelievableTalagang inassume niya na pupuntahan ko siya?

“Whatever. Mag-assume ka kung gusto mo. I’m done talking to you.” Inis na sabi ko sabay naglakad na’ko palayo.

Hindi ko na siya narinig na sumagot pero alam kong nasa likuran ko lang siya. Ano pa bang gusto ng lalaking ‘to? Di pa ba halata na ayaw ko siyang kausap? Hindi niya ba nafifeel yung presence ng inis ko sa kanya? O baka naman parang si Adrian na ‘to?

“Ano ba? Bakit ka ba sunod ng sunod? May gusto ka ba sa’kin ha?” Deretsahang sabi ko sa kanya nang humarap ako.

Nagulat pa siya pero agad din namang tumawa ng mahina. Tapos tinitigan niya ako sa mga mata, “Woah! Sigurado ka bang ako yung nag-aassume?”

Napa-iwas ako ng tingin. Nakakailang tumingin sa mga mata niya. Parang tumatagos sa kaluluwa ko yung tingin niya.

“Kuya Wesley!”

May teenager na babaeng tumakbo papalapit sa kanya. Tinignan ko ang pinanggalingan niya, may grupo ng mga kabataan na nakapalibot sa bon fire sa di kalayuan sa amin.

Ahh. Now I get it. Dun siya papunta.

Pakiramdam ko pumunta lahat ng dugo sa mukha ko. Nakakahiya yung sinabi ko kanina pero di ko nalang pinahalata. Pasimple akong naglakad pabalik habang busy siyang kausap yung teenager.

“Join us.” Sabi niya sa akin sabay hawak sa braso ko para pigilan akong umalis.

Tiim kong tinignan yung kamay niya na nakahawak sa akin at pakiramdam ko naman ay nagets niya ako kaya agad siyang bumitaw.

“No, thanks.” Mabilis na sagot ko.

“Sali na po kayo samin. Kakanta po si Kuya Wesley.” Excited na sabi nung teenager na kausap niya kanina.

Napataas ako ng kilay at tumingin sa lalaking ‘to. Kakanta pala ha? Might as well join them na para mapagtawanan ko naman siya kahit papano at makabawi ako sa kahihiyan na nasabi ko.

“Okay.” Nakangiting sagot ko sa kanya.

Sumunod na ako sa kanila papunta sa bonfire. Sa bilang ko, pito silang nakaupo doon at pang-walo itong dalagitang kasama namin. Lima yung mga lalaki at tatlo naman yung mga babae. Dalawa dun sa mga lalaki ay may hawak na gitara. Kung titignan, parang nasa mga 15 years old sila.

Hayy.. I feel so old. I’m 12 years older.

“Wow, Kuya Wesley. Ang ganda naman ng kasama mo.” Nakangiting sabi nung isang binatilyo na may hawak na gitara habang nakatingin sa akin.

“Girlfriend mo po?” Tanong naman nung isa pang dalagita.

“Sira ka ba? Si Ate Anikka lang yung babae sa buhay ni Kuya Wesley.” Kontra naman nung dalagitang kasama namin kanina.

Ah so may girlfriend pala siya? E bakit di niya kasamang pumunta dito? Baka naman kaya hiwalay na sila tapos di maka-move on ‘tong isa? Siguro ganun na nga.

“Naku. ‘Wag na nating pag-usapan ‘yan. Kumanta nalang kayo.” Nakangiting sabi niya sa kanila pero halatang iniiwas lang talaga niya yung topic.

I was right. Di nga maka-move on si kuya.

“Ano pong pangalan niya?” Tanong naman nung isa pang binatilyo.

Tumingin muna sa akin ‘tong piloto na ‘to bago siya sumagot, “Ah si Marga nga pala. Tama ba? Marga nga?” Talagang tinanong niya pa sa akin.

All this time di pala niya alam yung pangalan ko? Ha! Gago talaga.

“Hala si Kuya Wesley? Hindi mo alam pangalan ng kasama mo?” Natatawang tanong nung isa sa kanila.

Nangamot pa siya ng ulo bago siya sumagot, “Makakalimutin kasi ako sa pangalan e. Ano na nga ulit pangalan mo?” Biro pa niya sa kanila at sabay sabay silang nagtawanan.

Ngumiti lang ako habang nagtatawanan sila. Pero pagtapos nun sa akin nanaman sila tumingin. Kaya nagsalita nalang ako, “Actually, Margaret yung name ko. But Marga is fine.”

Ngayon lang ako natawag na Marga. Sounds good naman kaya okay lang. Sa lahat ng lumabas sa bibig ng pilotong ‘yun, Marga lang ang narinig kong maganda.

Isa-isa na ring nagpakilala ang mga bata. Yung dalagitang sumalubong sa amin kanina ay si Lila. Yung dalawang may hawak na gitara ay sina Amboy at Teddy. Yung iba naman ay sina Maya, Lory, Popoy, Boyet at Carlo. Lahat sila ay taga rito sa Batanes. I wonder kung paano niya sila nakilala..

***

Masaya silang nagtatawanan habang kumakanta. Etong piloto nakikisabay lang pero hindi talaga kumanta ng solo. Masaya naman silang kasama pero hinihintay ko talagang kumanta ‘to e.

“O ikaw? Kailan ka kakanta?” Singhal ko sa kanya nang matapos ng kumanta si Teddy.

“Oo nga, Kuya Wesley. Kanta ka na!” Dagdag din ni Maya.

“Kuya Wesley! Kuya Wesley!” Sabay-sabay na pag-cheer nila.

Natatawa namang kinuha ni Wesley ang gitara mula kay Teddy. Naghiyawan ang mga bata at halatang excited na makinig sa kanya. Ako din ay excited na pagtawanan siya!

“Syempre, di pwedeng ako lang. Dapat kakanta ka rin since last session na ‘to.” Nakangiting sabi niya sabay wink sa akin.

Wtf? Di talaga magpapatalo ‘tong gago na ‘to no?

“Ayiiee!” Panunukso ng mga bata sa amin.

“Sshh!” Agad na suway ni Lila sa kanila.

Natawa naman ako ng konti kay Lila. Parang ayaw na ayaw niyang pinipair ako sa kuya nila. Well, magkakasundo kami kasi ayaw ko din.

“Sabay ka nalang kung alam mo yung kanta.” Muling sabi ng gagong piloto bago niya simulang iistrum ang gitara.

Pamilyar yung sound ng tinutugtog niya. Tiim lang akong nakikinig hanggang sa bigla na siyang kumanta.

“You’re the one that never lets me sleep
Through my mind, down to my soul you touch my lips
You’re the one that I can’t wait to see
With you here by my side I’m in ecstasy..”

I must say, he can sing. Malamig yung boses niya. Kasing lamig ng ugali niya.

I am all alone without you
My days are dark without the glimpse of you
But now that you came into my life
I feel complete
The flowers bloom, my morning shines
And I can see

Your love is like the sun
That lights up my whole world
I feel the warmth inside
Your love is like the river
That flows down through my veins
I feel the chill inside

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta siya. Lahat sila tahimik. Walang sumasabay. Talagang nakangiti lang sila na nakikinig sa kanya.

How funny that I came here to laugh at him but instead, here I am being amused by how good he actually is.

Hindi ako kumanta gaya ng sinabi niya. Nakinig lang ako sa kanya. Ayokong sirain yung kanta. I can’t sing with such emotion.

***

Natapos ang kanta at natapos din ang jamming nila ng mga bata. Nasiyahan naman ako kahit papano dahil nakasama ko sila. Namiss ko yung kabataan ko. Lalo ko tuloy naalala na ilang years nalang, mawawala na ako sa kalendaryo.

“Nag-enjoy ka?” Biglang tanong niya habang naglalakad kami pabalik sa hotel.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi. Sa konting oras na ‘yun na kasama ko sila, nakalimutan ko yung mga issues na iniwan ko sa Manila. Nakalimutan kong stress ako at may anxiety ako na na-trigger dahil kay Wesley.

“Yeah. Thank you.” Tipid na sagot ko.

Ngumiti lang siya at tumuloy na din sa paglalakad. Ganun nalang din ang ginawa ko habang dinadama ang malamig na hangin.

“Marg!”

Halos sabay kaming napatingin ni Wesley sa entrance na hotel. Nakatayo doon ang lalaking tumawag sa akin. Napakunot ako ng noo. Hindi ko maaninag ang mukha niya dahil medyo dim lang ang lights ng hotel entrance, pero siya na mismo ang tumakbo papalapit samin.

Napaatras ako sa gulat at napahawak ako ng mahigpit sa braso ni Wesley.

“Adrian! What are you doing here?” I exclaimed.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s