In My Head

Umaga na naman. Panibagong araw para harapin ang laptop ko at tapusin ang librong sinusulat ko. Siguradong tatawagan na ako ng publisher ko para sa bagong manuscript.

Hinarap ko na ang laptop ko habang kagat-kagat ang waffle na kakakuha ko lang sa toaster. Kailangan ko lang ma-set ang mood ko para pumasok ang mga ideas sa isip ko. Kinuha ko ang phone ko at pinlay ko na ang ‘writer mode playlist’ ko.

Pumikit muna ako sandali bago ko simulang idamba ang mga daliri ko sa keyboard. Huminga ako ng malalim at binuksan ko na ang mga mata ko.

Naka-upo na siya.

“Good Morning.” naka-ngiting bati niya.

Ngumiti lang din ako pabalik. Hindi ko na siya masyadong pinansin. Ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa sinusulat ko. Hayy..

Cafune. Isang istorya tungkol sa isang babae na na-fall sa kanya. Well, basically, another tragic love story.

This is my style. Ayokong sumunod sa trend ng mga sikat na genre ngayon. RomCom makes me cringe. Erotic is too much. Though isa akong romance writer, i find it satisfying kapag hindi nag-eend up together ang dalawang tao sa mga story ko. Nakakasawa na kasi na puro happy ending. In real life, hindi naman kasi ganun kaya gusto kong ibagay sa reality ang ideya ng mga libro ko.

“Hindi ba pwedeng magkatuluyan nalang sila? Nalulungkot ako sa mangyayari eh.”

Tinignan ko lang siya habang nagmumukmok. Kakasabi ko lang, happy endings aren’t my thing.

“I can’t.” Seryosong sagot ko.

Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa akin. Ngayon ko lang napansin, may pasa nanaman siya sa pisngi at sugat sa kaliwang labi. Bakit ba hindi pa siya umalis doon?

Tumayo ako at nagpunta sa banyo. Kinuha ko ang first aid kit ko na hindi ko naman nagamit kahit isang beses. Binalikan ko siya at serysoso akong tumingin. Agad kong nilagyan ng ointment ang sugat niya kaya medyo napangiwi siya.

“Masakit!” reklamo niya sabay layo ng mukha niya sa kamay ko.

“Dito nagrereklamo ka pero kapag binugbog ka sa inyo pinapabayaan mo lang.” Seryosong sabi ko.

Hinayaan ko nalang siyang umiyak dahil sa sinabi ko. Kailangan niyang matutong maging malakas. Hindi pwedeng pabayaan nalang lagi siya inaagrabyado. Nahihirapan din ako na nakikita siyang ganyan. At hindi ko alam kung bakit lagi ko siyang tinutulungan.

“Sofia, wag ka ng bumalik sa inyo. Baka sa susunod hindi ka na makaalis ng buhay.”

***

On going ang book signing event ko ngayon. Pero iniiisip ko pa rin si Sofia. Umuwi kaya siya sa kanila? Binubugbog nanaman kaya siya? Shit. Eto nanaman ako. Iniinvolve ko nanaman ang sarili ko sa problema ng iba.

“Ms. Margaret! Omg sobrang ganda po ng book niyo!”

Ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa book signing event. Siguro naman ay nakinig sa akin ‘yun. Kung hindi, talagaang hindi na siya makakabalik sa bahay. Hinding-hindi na’ko magpapakita pa sa kanya dahil ayaw ko ng dumaan nanaman sa paulit-ulit na diskusyon ng buhay niya.

“Ms. elena? May sched pa ba ako after nito?” Tanong ko sa publisher ko na laging may hawak ng book signing events ko.

Chineck niya ang phone niya bago sumagot, “Wala naman. Pero may dinner date ka with Adrian.”

Napatingin ako sa kanya ng seryoso. Dinner date? Wala akong maalala. And I would never agree kung sakali mang alam ko.

“Cancel it, please.” Seryosong  sabi ko sabay tumayo na akodahil tapos na akong pumirma sa huling libro.

“Nag-effort yung tao, Marg. Kahit puntahan mo lang at tignan mo yung ginawa niya para sa’yo.”

Seryoso din siya at mukhang nagmamakaawa pa. Ano kayang pinang-suhol ni Adrian dito?

“Fine. Pupuntahan ko siya pero hindi para makipag-date. I’ll turnhim down, once and for all.”

Then I left. Narinig ko pa siyang nagsalita pero hindi ko na pinansin. Nakakapagod na kasing umiwas. Hindi kasi maintindihan ni Adrian na hindi pa ako ready na pumasok sa isang relasyon. And i don’t think na magiging ready pa ako. I just don’t see myself in a relationship. Yes, I write about romance but I hate skin ship and clingy stuff. Kaya kong palawakin ang imagination ko pero never kong gagawin in real life.

Pababa na ako sa parking lot para kunin ang kotse nang may mapansin ako. May naka-upo salabas ng kotse ko. Dahan-dahan akong lumapit para tignan kung sino. Naririrnig ko siyang humihikbi. Sino ‘to?

“Hey? Si…” napahinto ako nang makita ko kung sino siya. “Sofia? Anong ginagawa mo dito?”

Hindi siya sumagot. Agad lang siyang tumayo at lumapit sa akin para yakapin ako. Sobrang sakit ng  pag-iyak niya. Napansin ko rin na punit-punit ang damit niya at wala siyang suot na sapatos. ano nanamang nangyari?

“Sofia? Ano nanamang ginawa nila sa’yo?” alalang tanong ko. Kumukulo ang dugo ko! Gusto ko na talagang sumugod sa bahay nila pero wala rin akong magagawa dahil puro lalaki sila. Hindi ko rin naman pwedeng ireport sa pulis dahil puro lalaki sila. Hindi ko rin naman pwedeng ireport sa pulis dahil pulis din mismo  ang pamilya ni Sofia.

“Ate Marg, itago mo’ko. Ayoko ng bumalik sa amin. Please, ayoko na.”

Pinasakay ko na sa kotse si Sofia. iuuwi ko na muna siya para  mahimasmasan. Bubuksan ko na dapat ang pinto ng driver’s seat pero bigla nalang may pumukpok sa ulo ko. Umikot ang paningin ko at naramdaman kong bumagsak ang katawan ko pero may sumalo sa akin. Hindi ko nakita ang mukha niya. ang huling nakita ko nalang ay ang gulat na mukha ni Sofia habang sinisigaw ang pangalan ko.

***

Nagising nalang ako dahil sa kakaibang pakiramdam na dumadaloy sa ibabang bahagi ng katawan ko. Wala akong makita! Nakatakip ang mga mata ko habang walang habas akong pinagsasamantalahan!

“Bitawan mo’ko! Hayop ka! Papatayin kita!”

Nagpupumiglas ako. Pinilit kong inilayo ang katawan ko sa kanya kaya nagawa kong itulak siya. Pero hindi rin nagtagal ay nakabalik siya at sinuntok ang sikmura ko.

“Maawa ka…Wag..” nanghihinang sabi ko bagoako tuluyang mawalan ng malay.

***

Nakarinig ako ng hikbi. Minulat ko ang  mga mata ko at nakita ko ang isang babae sa katabing kama. Nilibot ko ang paningin ko, nasa ospital ako. Paano ako napunta dito?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s