Almusal

Kinagisnan ko na ang bawat umagang kasama ka
kasalo sa pagkain at pati na rin sa mga tawa
sa bagong timplang kape na kasing init ng pagmamahal mo
ikaw, ang araw na nagpapaliwanag ng buhay ko

Lumipas ang mahabang panahon na kapiling ka pa
ang dating almusal natin, ngayon ay pananghalian na
kasalo na ang mga supling na pinangarap natin
ikaw, ang siya pa’ring nagpapasaya sa akin

Sumapit ang dapit hapon ng ating panahon
kasabay ng mga alaalang kinubli’t ibinaon
Noo’y mga mumunting supling ay unti-unti na ring nawala
Hapunan na, Mahal
pero bakit lumisan ka?

Isang almusal nalang
para muling mapagsaluhan
ang bawat umagang kinagisnan,
ikaw mahal, ang araw na nagpapaliwanag
ang siyang nagpapasaya,
sa huling dapit hapon ng aking panahon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s