Huling Patak

Naririnig ko nanaman ang mga patak ng ulan
Habang lutang at nakatingin ako sa kawalan
Isip ko’y ‘di mawari kung nasaan
lilipas nalang kasabay ng takbo ng orasan

Ginugulo ng mga maling desisyon
at mga opinyon na ‘di sang-ayon
matang hindi makita ang sitwasyon
iiwanan kang wala man lang tugon

Wala itong tunog pero dinig ko ang patak
ng likidong pinagmulan ay ‘di tiyak
mas malakas pa sa tunog ng aking pag-iyak
ang umaagos na dugo mula sa pulsong biniyak

‘Di ko ninais na magpakamatay
gusto ko lamang makaramdam ng buhay
pagka’t sarili’y manhid na sa mga latay
na hatid ng paghusga’t kawalan ng pag-alalay

Huling patak ng luha ko’y natuyo na
Sugat na dulo’t nila ay nagmarka
puso ay ‘di sigurado at naghihilom pa
pero sisiguraduhing ang dugong ito ay panghuling patak ko na.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s