In My Head (Chapter 4: Glitter In The Air)

“Sino ‘tong kasama mo?” Kunot noong tanong ni Adrian habang nakaturo kay Wesley.

“I asked you first. What are you doing here?” Seryosong tanong ko.

“I’m here to check if you’re okay.”

Bullsh*t! Siguradong pinasunod siya ni Elena dito! Ngayon na nga lang ako nakakapag-relieve ng stress ko tapos dadating pa siya? Wala na ba talaga akong karapatang magkaroon ng peace of mind?

“Alam mo ba kung bakit ako umalis ng Manila? It’s because of you! Ang kapal ng mukha mong ipagkalat na girlfriend mo ako!” Galit na sigaw ko kay Adrian habang dinuduro ko siya, “I would never date you! Kaya tumigil ka na! Umalis kana dito and please stop pestering my life!”

May mga ibang tao ng nakatingin sa amin dahil sa pagsigaw ko. I don’t know if nakilala nila si Adrian, pero I won’t be surprised if bukas nasa news nanaman ‘to. Actually, wala na akong pakialam. Matagal na akong pinagpipyestahan ng mga reporters, hindi na bago kung lumabas nanamab ang issue na ‘to. At least, they’ll know na hindi talaga kami ni Adrian.

Hindi siya sumagot. Nakayuko lang siya at halatang pahiyang-pahiya siya sa mga sinabi ko. Hindi naman aabot sa ganitong point kung hindi niya ipinagsisiksikan ang sarili niya sa akin.

“Hey, I don’t know the deal about the two of you but I think that’s a bit much.” Wesley seriously said to me.

Tinignan ko siya ng masama. And why does he care? I don’t even know why he’s still here.

“Mind your own business.” Madiin na sagot ko naman.

“Okay. I’m just saying. Good night.”

Kibit balikat na umalis si Wesley at iniwan kaming dalawa ni Adrian na nakatayo pa rin malapit sa entrance ng hotel. Gusto ko na sanang sumunod sa kanya pero natigilan ako nang marinig kong humihikbi si Adrian.

Is he crying?

“I’m sorry. But I swear, hindi ako yung nagpakalat ng issue tungkol sa atin.” Mahinang sabi niya na halos pabulong nalang.

“You expect me to believe that? Sino pa bang gagawa nun?” Sarcastic na sagot ko.

“It was Elena. Nagulat lang din ang manager ko sa issue kaya sinabi niya agad sa akin. Ask Kim, alam niya na wala akong alam. Siya rin yung nagsabi na nandito ka.”

***

Nang makabalik ako sa kwarto ko ay tinawagan ko agad ang manager kong si Kim para iconfirm lahat ng sinabi ni Adrian. He’s telling the truth. At bago daw siya umalis ng Manila, pinabulaanan niya lahat ng issue tungkol sa amin kasabay ng paglabas ng statement ni Kim in behalf of me.

At some point, medyo nahiya ako sa inasal ko. Naisip ko din na sobrang harsh ko kay Adrian kahit sobra na yung effort na pinapakita niya. Pero hindi lang naman siya e. I can’t trust any man. Dahil sa nangyari sa’kin mas lalong napalayo ang loob ko sa kanya.

“Paano kung bigyan mo ng chance si Adrian?”

Parang nagpantig ang tenga ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit lahat ng tao ay pinipilit na bigyan ko siya ng chance. Ano bang meron sa kanya na dapat kong pagtuunan ng pansin? Gwapo, ma-effort, gentleman, at hindi  siya umalis sa tabi ko kahit nung mga panahong sobrang down ko sa sarili ko.

“I don’t know, Claire. Alam mo naman yung sitwasyon ko diba? Yung naging sitwasyon natin. Mahirap talaga para sa’kin na makipag-palagayan ng loob sa mga lalaki.”

“Don’t you think it’s time para pakawalan mo na yung sarili mo sa mga nangyari dati? Justice is already served, right?”

Muli nanaman akong napa-isip sa sinabi niya. Lately, parang gumagana na yung utak nitong babaeng ‘to ah? Well, may point siya kahit papaano. Nakakulong na yung rapist ko at nakapagsimula na ulit ako ng bagong buhay, siguro kahit unti-unti lang, susubukan kong buksan yung sa sarili ko sa mga opportunities na kagaya ni Adrian.

Napalingon ako sa pinto nang biglang may kumatok, nagpaalam na ako kay Claire dahil kailangan na rin naman niyang mag-ayos para pumasok sa trabaho. Yes, nakahanap na siya ng trabaho.

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Abs. Bakit kaya ang hilig-hilig ng lalaking ‘to na ilantad ang katawan niya?

“Anong kailangan mo?” Mataray na tanong ko sa kanya.

“Good morning din.” Sagot naman niya with a fake smile sabay abot sa akin ng shoal na suot ko kagabi.

“Ba’t na sa’yo ‘to?”

“E ba’t kasi iniiwan mo?”

“Kasalanan ko pa?”

“So dapat ba kasalanan ko?”

Ugh! Hindi pwedeng wala siyang sagot sa lahat ng sasabihin ko! Eto talagang lalaking ‘to yung isa sa dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong napapalapit sa mga lalaki e! Napakagaling manira ng araw!

“Whatever.” I rolled my eyes at aktong isasara ko na sana ayung pinto pero nagsalita pa siya.

“Wala ka talagang modo.” Seryosong sabi niya.

Tinignan ko muna siya ng seryoso, “Sandali lang, hahanapin ko muna yung paki ko,” inilabas ko mula sa bulsa ko ang kamay ko na ready to salute him with my middle finger, “Oh there! Have a nice day!” Then I slammed the door to his face.

Okay na sana siya kagabi e kaso hindi talaga. Hindi talaga maalis ang inis ko lalo na kapag hindi siya nagpapatalo sa mga bangayan namin! Eto yung dalawang klase ng lalaki sa mundo, yung kagaya ni Adrian at yung mga kagaya ni Wesley. Pangalan palang nila, sobrang layo na, from A to W, talagang sobrang layo ng pagitan.

***

Lumabas na ako ng kwarto ko para kumain ng breakfast after kong mag-ayos. I still have 3 days to stay here. Sana sa tatlong araw na ‘yun, ma-enjoy ko naman ng maayos yung bakasyon ko. Nagsasawa na ako sa paulit-ulit na pambubwisit sa araw ko. Kung alam ko lang na dadalhin pala ng masamang hangin dito yung lalaking yun sana sa ibang bansa nalang ako nagpunta.

“Good morning, Marg.” Nakangiting bati sa akin ni Adrian sabay umupo siya sa isa pang spare na upuan sa table ko.

“Good morning.” Tipid na bati ko naman habang tinutusok ng madiin yung hotdog sa plato ko.

“Everything, okay?” Tanong niya.

Tumingin lang ako sa kanya at tumango bilang sagot. Hinayaan ko lang siyang umupo doon at kumain kasabay ko. I’ll try to be more comfortable with him since wala naman talaga siyang ginagawa para ikagalit o ikainis ko.

“Uh, Marg?” he suddenly asked so I looked at him, “Sino yung guy na kasama mo kagabi? Yung nandun sa room na katapat mo.”

Napakunot ako ng noo. He’s talking about Wesley. Ano namang pumasok sa isip niya at nagkainteres siya sa lalaking ‘yun?

“He’s just the annoying guy from the other room. Bakit?” Kunot noong tanong ko sa kanya. Natuon tuloy ang atensyon ko sa kanya at itinigil ang pagkain ko dahil sa tinanong niya.

“Ahh.. Nakita ko kasi siya kanina sa tapat ng room mo. Ang tagal niyang nakasandal sa pinto, lalapitan ko na sana kaso bigla siyang kumatok kaya pinabayaan ko na.”

Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi ni Adrian. Malamang naghihintay yun kanina kung ako ba yung unang lalabas o siya yung unang kakatok. Sa basa ko kasi sa lalaking ‘yun parang mas matangkad pa sa kanya yung pride niya. Parang nabawasan lang nung time na tinulak niya ako sa pool at nag-sorry siya.

“Ayan nanaman siya oh.” Biglang sabi ni Adrian kaya napalingon ako. Pero bago pa ako makapag-react, nakuha na niya yung isang hotdog sa pinggan ko at dire-diretsong lumabas ng hotel.

Unbelievable. Talagang hindi siya nagpapatalo sa paninira ng araw ko ah? Napailing nalang ako dahil sa bilis ng pangyayari. Pareho lang kaming nakatulala ni Adrian pero ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Bigla nalang akong natawa ng malakas.

As in yung halakhak.

Yung nakakahiyang tawa na masakit na sa tyan.

“Marg, okay ka lang?” Alalang tanong sa akin ni Adrian.

Dun lang  ako natigil sa kakatawa ko nang kausapin niya ako. Hindi ko alam kung bakit natawa ako  sa ginawa ni Wesley pero sobrang hilarious talaga nun! I don’t know why he did that but that’s the most stupidest thing I’ve seen so far!

**3rd Person’s POV

Natatawang nilunok ni Wesley ang hotdog na kinuha niya sa pinggan ni Margaret. Natatawa siya sa sarili niya dahil sa ginawa niya. Hindi niya rin alam kung bakit niya biglang kinuha yung pagkain ni Marg. Basta ang nasa isip lang niya, gusto niyang asarin ito gaya ng pang-aasar na ginagawa nito sa kanya.

“Parang baliw yung babae dun kanina, ang lakas ng tawa!”

“Oo nga! Hindi ba siya nahihiya? Diba artista yung kasama niya?”

“Yeah, si Adrian Lee. I think siya yung girl na sinasabing dinidate daw niya? Yung writer?”

“Pero nag-deny na sila pareho diba?”

Nagkamot nalang ng ulo si Wesley dahil sa mga narinig niya. Natatawa nanaman siya sa sarili niya. Bakit nga ba niya ininvolve ang sarili  sa babaeng ‘yon na wala namang ibang ginawa kung hindi ang bastusin siya at sirain ang araw niya?

Kinuha niya ang phone niya at tinignan ang wallpaper nito. Isang litrato ng babae na nakasuot ng puting bestida at matamis na nakangiti. Si Anikka.

“I miss you so much, baby. Kailan ba kita makikita ulit?” Seryosong sabi nito.

Tiim itong tumingin sa dagat habang pinapanood ang mga alon. Mula ng dumating ito sa Batanes ay hindi pa ito nakakapag-pahinga talaga dahil sa sunod-sunod na engkwentro nila ni Marg. Siguro naman, matatahimik na rin siya dahil dumating na ang Adrian na ‘yun?

“Sa’n mo dinala yung hotdog ko?”

Napalingon si Wesley sa llikuran niya nang marinig ang boses ni Marg. Natatawang umiling lang si Wesley dahil sa tanong nito. Samantalang si Marg naman ay kusa lang na umupo sa tabi niya.

“Balita ko ang lakas daw ng tawa mo ah?” Bulalas naman ni Wesley nang makaupo na si Marg.

Natawa si Marg ng mahina bago sumagot, “Because you’re hilarious! Sinong matinong tao ang gagawa nun?” And again, she burst out laughing.

“Di mo ata kasama yung boyfriend mo?” Tanong naman bigla ni Wesley.

“Nandun, kausap yung manager niya. Artista e. Tsaka di ‘ko naman boyfriend ‘yun.” Sagot naman ni Marg.

Natatawa naman na tumingin si Wesley kay Marg. Hindi ito makapaniwala na kinakausap siya nito ng maayos ngayon matapos ng mga asaran nila kanina.

“Anong tinatawa-tawa mo?” Singhal ni Marg sa kanya.

“Wala naman, you suddenly became tamed. Ang ayos mo din kausap ngayon ah?”

“You made me laugh, idiot.” Nakangiting sagot ni Marg.

A little smile formed on Wesley’s lips, “So?” He asked.

“So, I think I’ll let you off this time.”

Hindi na sumagot pa si Wesley pero hindi mawala ang ngiti nito. Pareho lang nilang tahimik na pinagmasdan ang dagat habang dinadama ang hangin.

Sa isip ni Marg, hindi rin niya maintindihan ang sarili. Alam niyang naiinis siya kay Wesley pero alam din niyang hindi rin masama kung kahit papaano ay makasundo naman niya ito. Isa na rin sigurong daan ito para muling buksan ni Marg ang sarili para magtiwala sa mga tao sa paligid niya.

“Marg.” Tawag ni Adrian habang naglalakad papalapit kina Marg at Wesley.

Nakapamulsa ito at seryosong nakatingin sa kanilang dalawa. Nag-angat ng tingin si Marg sa kanya nang lingunin niya ito.

“Yes?” Tanong ni Marg habang nakapikit ang isang mata dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mukha nito.

“May gagawin ka ba? I just thought that maybe we can go around the town and explore the place?”

Saglit na nagtama ang mga mata nina Wesley at Adrian. Ngunit agad din namang nag-iwas ng tingin si Adrian at ibinaling muli ang tingin kay Marg.

Tumayo si Marg at inayos ang beach dress na suot niya. Tumingin siya kay Wesley na parang hinihintay din niya itong tumayo.

“What?” Nagtatakang tanong ni Wesley nang mapansin niya ang tingin sa kanya ni Marg.

“Come with us.” Natatawang sabi naman ni Marg.

“What?” Ngayon ay si Adrian naman ang nagreact. Nagulat din ito sa sinabi ni Marg kaya nagkatinginan nanaman sila ni Wesley. At kagaya kanina, siya pa rin ang unang umiwas ng tingin.

“No, I’m good.” Tanggi ni Wesley at ibinalik na niya ang tingin niya sa dagat. Pero hindi pa rin umalis si Marg.

“Hoy, sumama ako sa’yo kagabi nung nakipag-kantahan ka sa mga bata. This time, ikaw naman ang sumama.” Singhal ni Marg kay Wesley na nakapameywang pa.

Natawa naman ng mahina si Wesley bago sumagot, “Gagawin mo pa talaga akong third wheel niyo?”

“Gago talaga. Hindi nga kami.” Seryosong sagot ni Marg.

Nagkakamot ng ulo si Adrian dahil sa usapan nilang dalawa kaya minabuti na niyang makisali sa kanila, “Actually, you can also come if wala ka namang gagawin. Don’t worry, hindi ka namin gagawing third wheel o chaperone kasi wala namang kami.”

AwkwardAwkward na nagkatinginan sina Marg at Wesley dahil sa sinabi ni Adrian. Maging si Adrian ay nagulat din sa sinabi niya kaya bigla nalang siyang napatalikod at nagkamot ng ulo.

Nagpipigil ng tawa si Wesley nang makatayo siya. Hinampas naman ni Marg ang braso nito para patigilin dahil baka marinig siya ni Adrian.

“Stop!” Bulong ni Marg kay Wesley na kagat-kagat pa rin ang labi dahil sa pagpipigil nito ng tawa.

“You guys coming?” Biglang tanong ni Adrian sa kanila na nakalingon na ngayon sa dalawa.

“Yes.” Agad na sagot ni Marg sabay hila kay Wesley at naglakad na papalapit kay Adrian.

***

Tahimik lang silang naglalakad at di halos nagkikibuan. Nauuna si Adrian sunod si Marg at sa hulihan naman si Wesley. Awkward. Ganito nalang palagi ang ambiance na nararanasan ni Marg. Ngayon na sinubukan niyang makisama sa kanila, wala siyang ibang ma-feel kundi awkwardness.

“We’re here.” Pagbasag ni Adrian sa halos kalahating oras na katahimikan nila.

Honesty Cafe.

Sumunod naman sina Marg at Wesley sa kanya. Walang ibang tao sa loob. Walang tindera, walang nagbabantay. Sadyang sila lang talaga.

“This is cool. Talagang konsensya mo nalang kung hindi ka magbabayad sa kakainin mo.” Sabi ni Marg na lumilibot ng tingin sa paligid.

Dumiretso naman si Wesley sa lalagyan ng mga tasa at kape. Kumuha agad siya ng tatlo at para bang alam na alam na niya kung saan at kung paano galawin ang mga bagay-bagay sa loob ng cafe.

Iniabot niya kina Adrian at Marg ang mga kapeng ginawa niya at umupo sa dulo, sa pagitan ng dalawa.

“Drink it or leave it. Wala ng ibang stock na coffee dun kung hindi ‘yang 3 in 1 na ‘yan.” Sabi ni Wesley bago niya inumin ang kape niya.

“You’ve been here before?” Tanong ni Adrian.

Ngumiti lang si Wesley bilang sagot. Tiim na tumingin si Marg sa kanya. Alam niyang hindi iyon ang unang beses na nagpunta si Wesley dito. May mga kakilala siya dito at halos kabisado rin niya ang lugar.

“Galing ka na dito kasama yung girlfriend mo no?”May panunuksong sabi naman ni Marg.

Saglit na natigilan si Wesley. Napakagat siya sa labi niya at pilit na ngumiti, “Yeah. Pero matagal na.”

“Bakit hindi mo siya kasama ngayon?” Biglang singit ni Adrian.

Kumuyom ang kamao ni Wesley. Huminga siya ng malalim na parang pinapakalma ang sarili niya. Pilit nanaman siyang ngumiti, “Bakit ba biglang ako yung naging topic?” Maayos pa rin na tanong ni Wesley kahit medyo naiinis na siya.

“Relax, dude. It’s not like we personally know each other. It’s always a good idea to open up with a stranger kase everything you say can always walk away with them.” Makabuluhang sabi ni Adrian habang hinahalo ang kape niya.

Natawa ng mahina si Wesley at sumalumbaba sa lamesa, “But the thing is, Marga and I aren’t strangers.”

Biglang nabulunan si Marg sa iniinom nitong kape dahil sa sinabi ni Wesley. Inubo ito ng malakas kaya agad siyang nilapitan ni Adrian at hinagod ang likod niya. Biglang nagulat at nakaramdam ng kilabot si Marg sa ginawang iyon ni Adrian kaya natabig nito ang tasa at nabasag sa sahig.

Tumayo si Wesley at agad na pinulot ang nabasag na tasa, “You really hate being touched.”

Halos sabay na napatingin sina Adrian at Marg sa kanya. Magsasalita dapat si Marg para sagutin ang sinabi ni Wesley pero nagsalita ito ulit nang maitapon na sa basurahan ang mga bubog na nilinis niya.

“I already googled you. And I’ve read stuff about what happened.” Seryosong saad ni Wesley bago ito tuluyang makaupo sa upuan niya kanina.

Nag-aalalang tumingin si Adrian kay Marg. Dalawang taon na mula ng mangyari iyon kay Marg at pilit din siyang umiiwas sa mga tanong sa kanya tungkol sa pangyayaring iyon. Alam ni Marg na gumaganti nanaman si Wesley dahil sa pagtatanong nila ni Adrian sa personal na buhay niya.

“I thought we’re not strangers. So, bakit namemersonal ka?” Seryosong tanong ni Marg.

“You started it. Both of you.” Mas seryosong sagot ni Wesley sa kanya.

I was right. This guy is good for nothing. Nasabi na lamang ni Marg sa sarili niya.

Tumayo si Marg at dire-diretsong lumabas ng cafe. Sumunod na tumayo si Adrian pero bago ito lumabas ay tinignan niya muna ng masama si Wesley at maawtridad niya itong pinagsabihan, “You’re so insensitive. For a moment akala ko okay kang kasama but you’re an a**hole!”

Naiwang mag-isa si Wesley sa loob ng cafe habang seryosong nakatingin sa kawalan. Saglit siyang napapikit at bigla na lamang siyang napahilamos ng marahas sa mukha niya.

“Damn it, Wesley!” Bulalas niya sa sarili.

**Margaret’s POV

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko maintindihan lahat ng nangyayari sa amin ng Wesley na ‘yun. Minsan okay kami, minsan hindi. And I thought, ngayong araw na ‘to, we can go on smoothly without pissing each other.

“Kalimutan mo na ‘yung pinagsasabi ng gagong ‘yun. Much better if iwasan mo na rin na makita siya.”

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Adrian ng seryoso, “He’s my neighbor.”

“Yeah neighboring rooms, pero pagbalik naman sa Manila I’m sure hindi mo na siya makikita.” Sagot ni Adrian na huminto pa sa paglalakad na para bang napakatalino niya sa sinabi niya.

“Adrian, he’s my neighbor back there.”

Nagulat si Adrian sa sinabi ko. Parang nag-buffer pa sa utak niya yung information kaya hindi agad siya nakasagot. Iniwanan ko siyang nakatanga at dire-diretso na akong naglakad pabalik sa hotel. Hinabol niya naman ako agad nang matauhan na siya.

“Kailan pa? Ba’t di mo sinabi sa’kin?” Sunod-sunod na tanong niya.

“I don’t need to report everything to you. Basta bigla nalang kapitbahay ko siya.”

“Wala ka bang balak na lumipat?”

“Hassle lang.”

Hindi na nakasagot pa si Adrian dahil dire-diretso na akong pumasok sa kwarto ko. Nawalan ako ng gana na lumibot at makipag-usap kahit kanino. Siguro bad timing lang talaga ‘tong bakasyon na ‘to para sa’kin.

From now on, I won’t even try to start a conversation with that guy. May sakit ata sa utak ‘yun. Better stay away kesa makapag-cause pa siya biglaang pagiging kriminal ko sa sobrang inis ko sa kanya. Mabuti pa si Adrian, sobrang wary niya kapag kasama ko siya. I think it’ll be better if mag-focus nalang muna ako kay Adrian kesa sa kung kani-kaninong walang kwentang kausap.

***

Nakatulog ako ng mahigit limang oras at nagising lang ako dahil sa pag-vibrate ng phone ko, Agad akong umupo at kinuha iyon para tignan kung sino ang nagtext sa akin.

8 messages and 5 missed calls. From Elena.

10 messages and 10 missed calls. From Kim.

What’s happening? Bakit ako tinadtad ng text and calls ng mga ‘to?

Where are you? Bumalik ka na. ASAP.

Have you read the news?

Napanood mo na ba yung balita?

Marg! Sumagot ka! Please!

Come back, as soon as possible!

Bigla akong kinabahan. Bakit nila ako pinapabalik? Anong nangyari? Anong meron sa balita?

Agad kong hinanap ang remote control ng tv sa kwarto ko at agad ko itong binuksan. Hinanap ko ang news channel at inabangan ang balita. Napakunot ako ng noo. Wala namang kakaiba sa mga balita ah?

“Marg!”

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang kabugin ni Adrian ang pinto ng kwarto ko. Dali-dali akong lumapit sa pinto para buksan iyon at nakita ko ang alalang mukha ni Adrian.

“Ano bang nangyayari sa inyo?” Bungad ko sa kanya.

“We..we have to go—-”

“Breaking news. Suspect sa kidnap at rape case ng sikat na manunulat na si Margaret Colle, pinalaya na matapos umanong bawiin ang pag-amin na ginawa nito sa krimen. Dumagdag pa ang hindi malinaw at sapat na ebidensya laban sa suspect kaya napagdesisyunang palayain na muna ito.”

Nanginginig ang buong katawan ko. Bumigay ang mga paa ko kaya natumba ako sa sahig. Nawalan ako ng pakiramdam. Hawak ni Adrian ang mga braso ko at inaalalayan ako pero hindi ko maramdaman. Hindi ako makagalaw. Naririnig ko siyang nagsasalita pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

Napatingin ako sa nakabukas na pinto ng kwarto ko. Nakita kong nakatayo si Wesley doon at seryosong nakatitig sa akin.

“H-help me.”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s